Bumulaga sa It's Showtime… SUNSHINE, MALA-KIM SA KAPAYATAN
- BULGAR
- Nov 8, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | November 8, 2023

Ginulat ni Sunshine Dizon ang madlang pipol sa appearance niya sa Magpasikat 2023 ng It’s Showtime kahapon.
Umapir si Sunshine bilang isa sa mga Sangre mula sa dati nilang fantaserye na Encantadia sa GMA-7.
Bahagi si Sunshine ng apat na Sangre na nagkaroon ng reunion sa Magpasikat 2023 dahil kay Karylle na lider ng grupo ng iba pang hosts sa It’s Showtime.
Ang iba pang Sangre na lumabas sa second day ng Magpasikat 2023 para sa grupo ni Karylle ay sina Iza Calzado at Diana Zubiri na kakauwi lang yata from Australia.
Ang alam namin, okey na okey ang buhay ni Diana with her hubby and children sa Canada. Baka nga umuwi lang si Diana ng Pilipinas just to join Karylle sa Magpasikat 2023 with other Sangres.
In fairness, ang daming natuwa na nagkasama-sama sila uli. Ang daming pasabog like Diana na bumalik ng Pilipinas. Tapos si Sunshine nga, kumi-Kim Chiu sa kapayatan.

“Ang ganda ni Sunshine ngayon, pero halata 'yung pagod at puyat."
“Ang ganda ni Sunshineeeee.”
“Ampayat na uli ni Sunshine.”
Heto pa ang mga comments ng mga netizens na nakita namin sa socmed…
“Binuhay n'yo ang pagiging bading namin,” one fan quipped.
“Kinilabutan ako. Sa It’s Showtime ng ABS-CBN, unexpected na lalabas ang original na mga Sangre. Hanglupit neto @anakarylle .. Napakagandang idea. 'Yung pagtawid ng mga Sangre sa ABS-CBN ay sadyang kakaiba at nakakagulat. Hoping na may taga-ABS-CBN na makapasok sa next story ng Sangre.”
“Ignacia pa bumuo sa mga Sanggre #Magpasikat2023KarylleAmyLassyMC.”
May nagsa-suggest din na magsama sa movie ang mga Sangre at ang host ng It’s Showtime na si Vice Ganda.
“Ay, bet ko 'yung Praybeyt Benjamin sa mundo ng Encantadia.”





Comments