Bumawi si Parks sa B.League; PHL Team sa AVC, olats sa Qatar
ni MC - @Sports | October 12, 2021

Ginalingan na rin ni Bobby Ray Parks Jr. ang paglalaro sa Japan B. League kahit na 11 minuto lang siyang naisalang kaya nakuha ng kanyang team na Hiroshima Dragonflies ang panalo noong Linggo ng gabi sa Dolphins Arena.
Matapos ang tatlong diretsong pagkatalo mula nang simulan ang 2021-22 na kampanya, sa wakas nakapagtala rin sa win column na 87-77 ang Dragonflies.
Unang nagtamo si Parks ng muscle injury bago pa lang ang season-opener noong Okt. 2 kaya limitado ang laro sa sumunod na tatlong games.
Nitong Linggo, nakapaglaro siya ng 11 minuto at 20 segundo, nakagawa ng 1 free throw, 1 rebound, 1 assist at 1 steal. Si Coty Clarke ang naging pambato ng Nagoya, umiskor ng 21 puntos, 7 assists at five rebounds habang dumagdag si Scott Eatherton ng 17 points at 6 boards.
Nakalamang na una ang Dolphins sa 24-14 sa opening frame pero hindi pumayag ang Dragonflies at bumanat ito sa second quarter hanggang sa makaungos sa 39-38 sa half time. Pagpasok ng 3rd canto ay nakontrol na nila ang laro kasunod ng back-to-back triples nna Clark at Tenketsu Harimoto at pagpasok ng 4th ay lumamang na sila sa 8 puntos, 71-63.
Samantala, nahirapan talaga ang Team Rebisco sa kanilang laro at natikman na ang ikatlong diretsong talo sa kamay ng Qatar powerhouse Al-Arabi, Linggo ng gabi sa Terminal 21 competition hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Masaklap na mga iskor na 25-19, 25-15, 25-19 ang kanilang tinapos sa AVC Asian Men's Club Volleyball Championship. Hindi sapat ang giting at puso ng Team Rebisco laban sa lakas ng Qatari club. Out na ang Pinoys para sa semifinals spot ng club tournament.





Comments