top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa paracetamol at vitamins… GELLI AT ARIEL, NAKALIGTAS SA COVID-19 DAHIL SA SUOB AT EXERCISE

  • BULGAR
  • May 16, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 16, 2021




Kumpleto ang kuwento ni Gelli de Belen sa vlog niyang Just Gelli kung paano sila nahawa ng COVID-19 sa kaibigan ng asawang si Ariel Rivera at kung ano’ng sintomas ang mga pinagdaanan nila.


Sa mga sintomas ng COVID-19 na naranasan, pinakanatakot si Gelli nang mawalan siya ng panlasa at pang-amoy.


Hindi naospital ang mag-asawa, pero sinabihan sila na kung patuloy na bababa ang oxygen nila, kailangan na nilang magpaospital.


Nabanggit ni Gelli na nakatulong sa kanya ang paracetamol pero hindi nito sinabi kung ano’ng brand.


Naniwala rin si Gelli na nakatulong ang suob na ginagawa nila ni Ariel. Ayaw daw maniwala ni Ariel na makakatulong ito, pero pagkatapos gawin, nakaramdam sila ng ginhawa.


Nakatulong din daw sa kanila ni Ariel na nagte-take sila ng vitamins regularly at nag-e-exercise.


“Kung hindi siguro kami nagba-vitamins at nag-e-exercise, baka na-hospital kami,” wika ni Gelli.


February naging positive sa COVID-19 sina Ariel at Gelli. Ngayon ay magaling na sila at puwede nang magtrabaho.


1 Comment


Patty Par
Patty Par
May 16, 2021

SUOB PANGONTRA SA COVID 19, LESS HOSPITAL COSTS, TRY TO GET GET ELECTRICI WATER VAPORIZER DIRECT FROM USA. CALL MENCHITA PAR, IT IS MORE BETTER THAT OLDER STYLE OF HEATING CALDERO IN PINAS. EMAIL AT wellnessmocho800@yahoo.com

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page