top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa maraming gowns… MARIAN, BITBIT ANG MAKE-UP ARTIST AT HAIR STYLIST SA MISS U SA ISRAEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 06 , 2021





Sabi nga ng Primetime Queen na si Marian Rivera, once in a lifetime raw na dumating ang oportunidad na tulad ng pagkakapili sa kanya upang maging isa sa mga hurado sa gaganaping Ms. Universe beauty pageant sa Israel sa Dec. 12.


Bale ba ay special at memorable ngayon ang pageant dahil ito ang 70th year ng Ms. Universe.


Kaya naman, sobrang saya at excited ni Marian nang malaman ang magandang balita.


Halos hindi siya makapaniwala at para raw siyang nasa alapaap nang iparating sa kanya ni Direk Mike Tuviera ang good news.


Kahit na sino pang artista, malaking achievement at karangalan kapag napili na mag-judge sa Ms. Universe. Kaya naman, pinaghandaan ito nang husto ni Marian Rivera.


Kasama niya ang kanyang personal na make-up artist at stylist sa pagpunta sa Israel.


Sa araw na ito (Dec. 6) ang alis ni Marian at ng kanyang entourage. Dala-dala niya ang ilang gowns na ginamit niya sa Ms. Universe pictorial na gawa ni Francis Libiran at ng sikat na designer na si Vera Wang.


Ayon kay Marian, maraming activities na gagawin ang mga hurado sa Ms. Universe kaya nagdala siya ng ekstrang damit na isusuot. Bukod sa mga gowns, meron din siyang dalang cocktail dress.


Excited din si Marian na makita nang personal ang Hollywood actress na si Gal Gadot na gumanap na Wonder Woman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page