Bukod sa anak na si Elias, Ellen… JOHN LLOYD, SI KATRINA ANG KASAMANG NAG-BIRTHDAY SA BATANGAS
- BULGAR
- Jun 30, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 30, 2021

Nagsimula nang magduda ang mga netizens sa tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina Halili.
Unang na-link si John Lloyd kay Katrina nu’ng lumabas na magkasama sila sa isang vlog sa YouTube noong April this year.
Diumano, nakasabay nina John Lloyd at Katrina ang isang grupo ng turista from Bacolod. Nakipag-usap pa raw si John Lloyd sa mga turista at maririnig sa video na galing ang aktor sa El Nido, Palawan noong October, 2020.
Ang sumunod na tsika, binili raw ni John Lloyd ang lupa ni Katrina sa El Nido, ang hometown ng Kapuso actress. Balita rin na 13 hectares daw ang lupang pag-aari ni Katrina sa El Nido.
By this time, malamang ay tapos na ang bahay na ipinagawa ni John Lloyd sa binili niyang property sa Palawan. Kasi last time ay may nabanggit si John Lloyd sa isang interbyu about his property na ipinapagawa na raw niya noong September of last year pa.
Kumalat naman recently ang mga larawan na magkasama sina John Lloyd at Katrina sa Instagram account ng Kapuso actress.
Makikita sa IG post ni Katrina ang ilang pictures niya with some friends na naki-celebrate sa birthday ng aktor sa bahay nito sa Tali Beach, Batangas.
Isa sa mga kasama ni Katrina sa birthday celebration ni John Lloyd sa Batangas last June 24 ay si Mimi Juareza.
Sa Instagram ni Mimi, na-reveal na ang birthday celebration ni John Lloyd ay naganap sa super exclusive residential resort ng aktor.
Series of photos naman ang ipinost ni Katrina sa kanyang IG stories ng kaganapan sa b-day ni John Lloyd. Kasama sa series of photos ang piktyur ni Katrina na nakikipaglaro kay Elias.
Dito na nagsimulang magduda ang mga netizens kina John Lloyd at Katrina.
“Wait…parang puwede sila."
“May relasyon ba sila?”
“Baka magkakaroon pa lang.”
“Masyado kayong advance, friends nga, eh, ‘di ba? So what, pareho naman silang single.”
Hmmm….may kinalaman kaya si Katrina sa pagpirma ni John Lloyd sa GMA-7?





Comments