Buking sa vlog… B-DAY GIFT NA HERMES BAG NI KRIS KAY KIM, NAKATAMBAK LANG
- BULGAR
- May 12, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | May 12, 2021

Due to insistent public demand, ipinakita na ng It's Showtime host na si Kim Chiu ang kanyang mamahaling bag collection on her YouTube channel.
Nakakalula ang dami ng bags ni Kim. Almost lahat ng sikat na branded bags, meron ang nobya ni Xian Lim.
"Isa sa mga most requested contents na gusto ninyong i-vlog ko. So, hindi ko na ipagdadamot sa vlog ko ang kuwarto na 'to," panimula ni Kim.
Nahihiya raw kasi talaga siyang ipakita ang laman ng kuwarto niya kung saan nakatabi ang kanyang mga luxury bags dahil baka isipin ng iba na nagyayabang siya.
Feeling namin, nasa mahigit 100 piraso ang koleksiyon ng signature bags ni Kim sa kuwarto niya.
Naipon daw niya ang lahat ng bags niya from the start ng kanyang showbiz career hanggang ngayon na nasa ika-15 na taon na niya. 'Yun na raw lahat ang naipon niya na bags simula sa second-hand LV bag na una niyang binili at the start of her career.
"Hindi talaga ako nagbabawas ng bag, unless i-donate ko siya for charity. Kaso lahat 'to, may sentimental value," esplika ni Kim.
Nagsimula si Kim na ipakita ang kanyang Gucci bag collection na karamihan daw sa mga 'yun ay regalo sa kanya ng beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo.
Binati ni Kim ang sarili dahil last year ay nagawa niyang pigilan ang sarili na bumili ng signature bags. Na-realize raw niya na hindi naman siya makakalabas last year kaya wala siyang paggagamitan nito.
Pinakamarami niyang signature bags ay LV, sumunod ay Gucci, then Hermes na ang isa sa mga una niyang nabili na blue Birkin ay ipina-paint niya kay Heart Evangelista.
When asked by Heart kung ano ang ipe-paint niya sa bag ni Kim, "Maski ano lang" ang sagot ng It's Showtime host. Ang mahalaga, si Heart ang nagpinta. Favorite celeb daw kasi niya si Heart kahit nu'ng 'di pa siya artista.
May YSL, Bottega, Balenciaga, OffWhite, Tori Burch at Christian Dior na favorite ni Kim sa kanyang bag collection. Ipinakita rin ni Kim na may mga LV bags pa siya na binili online na 'di pa niya nagagamit.
May isang malaking Hermes box pa si Kim na hindi pa niya nabubuksan. Regalo raw 'yun sa kanya ni Kris Aquino nu'ng last birthday ni Chinita Princess.
Sabi ng isang netizen, kung susumahin ang presyo ng bags ni Kim ay aabot daw ito nang mahigit P30M!
Ang maganda pa kay Kim, nakahalo rin sa kanyang collection ang ini-endorse niyang Beladonna bags at iba pang 'di masyadong kamahalan na bags.





Comments