Buking sa post sa IG… GERALD AT BEA, INI-STALK ANG ISA'T ISA SA SOCMED

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 26, 2021

Hindi lang ngayon ang first time na nagkapareho ng caption ang post ng ex-couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa kanilang Instagram account.
Nu’ng February 8 ay may post ang aktor ng halos same caption na ginawa ni Bea. Naunang nag-post ang aktres na lumabas nu'ng January, 2021 pa.
Na-confuse tuloy ang mga netizens sa ex-couple dahil muling nagkapareho ang ginawa nilang caption sa kanilang ibinahaging larawan.
Sa IG ni Bea, isang picture niya na nakahiga sa wooden floorboard kung saan nasisinagan siya ng araw habang hinahawi niya ng kamay ang kanyang hair ang may caption na: "Slow down" with a snail emoji.
Samantala, sa Instagram account ni Gerald, may post naman siyang nakaupo sa loob ng cottage habang tinatanaw ang view ng nagbeberdehang pananim sa loob ng kanyang private resort.
“Slow,” ang caption na inilagay ng aktor sa kanyang larawan.
Agad namang binago ni Bea ang caption niya nang may nakapagsabi o malamang ay nakita niya ang caption na isinulat ni Gerald sa kanyang post.
Espekulasyon tuloy ng mga netizens, 'di raw kaya ini-stalk pa rin nila ang isa't isa sa socmed?
Hmmm… ang tanong, ‘di pa ba nila ina-unfollow ang account ng isa’t isa?





Comments