top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Buking sa post ng aktres… KYLINE AT MAVY, BREAK NA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 26, 2023




May nadagdag sa listahan ng showbiz couple na nag-break dahil break na rin daw sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi at ang nakitang patunay ng mga fans ay ang post ni Kyline na “Iba ka, TikTok. I knew it,” at sinundan pa ng tweet na “I knew it.”


Ang paniwala ng mga fans, may napanood sa TikTok si Kyline na naging dahilan ng nabalitang breakup nila ni Mavy. Ibig sabihin nito, may third party sa nabalitang hiwalayan nila at sabay-sabay nating alamin at diskubrehin kung sino siya.


Parang kailan lang, sa birthday ni Kyline last September 3, very sweet pa sila nang i-celebrate ng aktres ang birthday niya sa All-Out Sundays. Si Mavy ang nagdala ng birthday cake na bigay ng AOS team at sumunod doon ang mahigpit nilang yakapan.


Very sweet din ang birthday message ni Mavy kay Kyline at sabi pa niya, “My cheerleader & partner in everything. You are a blessing from God to me and I thank Him everyday that you came into my life, because you have a beautiful soul.”


Sa huli, sabi nito, “Padaba taka forever.”


May MavLine fans naman na nagsabing baka nagkatampuhan lang sina Kyline at Mavy o kaya’y nagkaselosan at may pag-asa pang maayos ang problema nila. Dahil ito sa hindi pa nila dine-delete ang photos na magkasama sila sa kani-kanyang Instagram nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page