top of page
Search
  • BULGAR

Buking sa cheating convo… BIANCA, PINAPAPUNTA SA CONDO SI ROB HABANG WALANG SI SEN. SHERWIN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 21, 2023




Nakakalokah!!! 


Ang bilis-bilis talaga ng mga kaganapan sa showbiz, 'no?!


Parang kailan lang, si Daniel Padilla ang pinagpipiyestahan dahil sa diumano'y panloloko nito kay Kathryn Bernardo makaraan ang kanilang 11 yrs. na relasyon. 


Ngayon, may bago nang umagaw sa trono ng pagiging certified chickboy!


Trending nga kahapon sa social media ang kumalat na "cheating convo" ni Rob Gomez with Hipon Girl a.k.a. Herlene Budol at sa isa pang beauty queen na si Bianca Manalo.


Nagulat ang mga netizens nang mabasa ang screenshot ng naturang cheating convo sa mismong Instagram account ni Rob. 


Ilang sandali lang, nabura na rin ang naturang post pero marami na ang nakapag-screenshot kaya pinick-up na ito ng iba't ibang netizens at entertainment pages. 


At dahil sa post ni Rob sa FB page niya na: "My phone is still not in my possession," ang pinaghihinalaang nag-post ng mga cheating convo ng Kapuso actor kina Herlene Budol at Bianca Manalo ay ang nanay ng kanyang anak na si Dra. Shaila Rebortera na matatandaang nakipaghiwalay na sa kanya matapos mabuking ang kanyang pambababae.


Sa kumalat na cheating convo, mababasa ang diumano'y pakikipaglandian nina Herlene at Bianca kay Rob, na for sure naman, parehong 'di alam ng dalawang babae na pareho silang kausap ng aktor, 'no?!


Sa parte ni Herlene, nakakaloka na may isyu ng 'kainan' ng… alam na this, base na rin sa kanilang mga usapan ni Rob. Umabot pa sa puntong may pregnancy kit na ipinadala si Herlene kay Rob at malinaw sa usapan na may nangyayaring 'tikiman' sa bida ng Magandang Dilag at sa leading man nito sa nagtapos nang serye ng Kapuso Network na si Rob Gomez.


May mga hirit pa nga ru'n si Herlene na kahit makipagbalikan si Rob sa nanay ng kanyang anak ay tanggap niya dahil alam daw niya ang kanyang pinasok.


Sabeeeeeh?! Payag na maging No. 2, ganern?!


Kaso nga lang, malay ba ni Herlene kung pang-No. 2 talaga siya, dahil heto nga, pati ang cheating convo ni Rob kay Bianca Manalo ay nai-post din sa Instagram ng aktor.


Mapapa-tumbling ka talaga kapag ganito ang nabasa mong mensahe ng beauty queen sa may anak nang Kapuso actor, "Kaya mo pumunta that early? 7 am?


"Brought my dogs here sa makati. Let me know para I can go back to bgc early to see you before I leave at 10 am.


"He's not here. He's in valenzuela."


At dahil very open naman ang relasyon ni Bianca kay Sen. Sherwin Gatchalian, sino pa nga ba ang iisiping tinutukoy ng beauty queen?


Kaya naman ngayon pa lang, inaabangan na ng mga netizens ang magiging statement ni Bianca Manalo sa pagkakaugnay niya kay Rob Gomez dahil ang imahe nga naman niya ngayon sa publiko, hindi pa man sila kasal ni Senator Sherwin ay iniiputan na pala niya ito.


At least si Herlene, single, but still, nakakalokah pa rin na tanggap niyang may kahati siya kay Rob dahil alam naman daw niya ang pinasok niya.


Juskoooloooord! Nauubos na ba ang mga Adan sa mundo? 


Hay, ewan!!!

 

 

`Di raw magawa nu`ng bata pa…

ICE, NANGAROLING SA MATATANDA




Naging maaga ang Pasko para sa ilang residente ng Brgy. Tatalon dahil sa pagbisita ng singer-songwriter na si Ice Seguerra.


Sinorpresa ni Ice ang ilang pamilya sa Barangay Tatalon sa Quezon City nang siya ay magkaroling sa kanila. 


Matagal nang pangarap ni Ice ang magkaroling na hindi niya nagawa lalo na’t maaga siyang nag-artista.


Pinagkaguluhan si Ice ng mga tao habang binabaybay niya ang mga iskinita kung saan siya nagkaroling kamakailan. 


Ang nasabing activity ay naisagawa sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Solmux Advance, isang brand ng gamot sa ubo.


For sure, Solmux Advance ang ininom ni Ice kaya madaling gumaling ang kanyang ubo at bumalik ang kanyang boses para makapagkaroling.


Last week kasi na nakasama namin si Ice para sa launching ng single ng The Voice singer na si Ryan Gallagher na tinutulungan nila ng misis niyang si Liza Dino para sa Christmas song nitong The Feeling of Christmas, halos hindi makapagsalita si Ice dahil sa ubo at pagkawala ng kanyang boses.


Samantala, tuwang-tuwa si Ice na natupad ang pangarap niyang makapagkaroling dahil sabi nga niya, nu'ng bata siya ay hindi niya nagawa ito dahil sikat na sikat siya noon at pinagkakaguluhan dahil sa kanyang kabibuhan. 


“Naalala ko, para makapaglaro ako kasama ng ibang bata sa lugar namin, ipinasasara 'yung buong kalsada, tapos may mga tanod na nagbabantay sa magkabilang dulo,” ani Ice na ngayon ay 40 years old na.


Dala ng kanyang popularidad, maraming mga bagay ang hindi na-experience ni Ice at isa na rito ang pangagaroling tuwing kapasukuhan.


Malapit sa matatanda si Ice kaya naman tuwang-tuwa siyang makayakap at makantahan ang mga lolo't lola sa Bgy. Tatalon. 


Hindi naman makakalimutan ng matatandang kinantahan ni Ice ang ginawa niya at tunay na regalo na ito ngayong papalapit na ang Pasko.

 

 



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page