Buking na nakahawak sa hita ng aktres… GOV. LUIGI AT YASSI, MAY COUPLE BRACELET NA
- BULGAR
- Aug 23, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 23, 2023

Nag-react ang mga netizens sa mga kumakalat na larawan nina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte dahil sa paghawak umano ng pulitiko sa hita ng aktres.
Ani ng netizen, “Akala ko, sa kambiyo nakahawak si Gov. Luigi, legs pala ni Yassi ang kinakambiyo.”
Tila hindi na mamatay-matay ang isyu sa pagitan ng aktres at pulitiko. Lagi silang nagba-viral at laman ng social media recently, kaya hindi maiwasang matsismis na may namamagitan na nga sa dalawang personalidad.
Matatandaang una silang namataang magkasama sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur noong August 13, 2023. Sa nasabing event, hinalikan ni Gov. Luigi si Yassi sa pisngi.
Kumalat din ang post ng isang netizen sa Facebook nitong nakaraang August 19 kung saan ay ibinahagi niya ang mga larawan ng aktres at pulitiko na magkasama na tila nasa isang ATV adventure car.
Ang nakalagay na caption: “SALA NA NAMAN NAKAPTAN NI GOV. [laughing emoji]” na ang ibig sabihin ay “mali na naman nahawakan ni Gov.”
Makikita kasi ang kanang kamay ni Gov. Luigi sa kaliwang hita ni Yassi. Sa isa pang post, sabi ng netizen, “Witwiw! Suwerte naman talaga.”
Siyempre, ‘di rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang ternong bracelet na suot din daw ng dalawa.





Comments