top of page
Search
  • BULGAR

Buking! KRIS, TODO-EMOTE SA SAKIT SA IG POST, MASIGLA NAMAN SA VIDEO

ni Nitz Miralles @Bida | April 26, 2024




IKINATUWA ng mga fans ni Kris Aquino na makita siyang masigla at ganadong magkuwento sa vlog ni San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag. 


Mapapanood sa video na parang birthday celebration ni Bimby at kabilang si Mayor Vilma sa mga bumati.


Makikita si Kris na masaya habang nagkukuwento kung paano nila nakilala at naging kaibigan si Mayor Vilma. 


Makikita rin sa video na masaya si Bimby sa kanyang birthday celebration dahil iba ito sa inisip ng marami matapos ilabas ni Kris ang mahabang post niya about her medical condition.


Nalungkot ang mga nakabasa sa post na ‘yun ni Kris, pero sa vlog ni Mayor Vilma, masigla si Kris at wish ng kanyang mga fans, gumaling na siya para makauwi na siya ng Pilipinas.


Sa post ni Kris sa birthday ni Bimby, may nabanggit siyang pauwi ng Pilipinas ang bunsong anak pero hindi para mag-artista. Sabi ni Kris, “Pauwi si Bimb to fix his student visa.”  


Ibig sabihin, itutuloy nito ang pag-aaral sa US at ang natatandaan namin, gusto ni Kris na maging doctor ang kanyang bunso.


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page