Russian military helicopter pumasok sa airspace ng Poland

ni Justine Berganio @Overseas News | September 25, 2026

Photo: NASA - Bill Ingalls / File
Pumasok nang bahagya sa airspace ng Poland ang Russian Mi-8 military helicopter mula Kaliningrad nitong Miyerkules, dahilan para agad magpalipad ng fighter jets at ilagay sa alerto ang ground-based air defence.
Ayon sa Polish Armed Forces, nangyari ang insidente alas-11:08 ng umaga sa hilaga ng Braniewo. Umabot sa 300 metro ang lalim ng pagpasok ng helicopter sa teritoryo ng Poland at tumagal ito nang 42 segundo bago makaalis.
Nasundan ng Polish military radar ang helicopter habang naka-standby ang kanilang ground forces. Sinabi ng Poland na maaaring indikasyon ang insidente na sinusubok ng Russia ang kahandaan ng kanilang air defence, bagama’t hindi pa naglalabas ng pahayag ang Moscow tungkol dito.
Nangyari ito habang tumataas ang tensyon sa silangang bahagi ng NATO dahil sa digmaan sa Ukraine. Nauna nang nakaranas ang Poland ng ilang insidente kung saan Russian drones at iba pang aircraft ang napalapit o nakapasok sa kanilang airspace.
Patuloy namang naka-monitor ang Polish air defence systems at handang rumesponde sakaling magkaroon ng panibagong airspace violation.





Comments