Budget transparency ng 'Pinas
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 22, 2026

Photo: File
Nagawa umanong mapanatili ng Pilipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency sa buong Southeast Asia, batay sa Open Budget Survey (OBS).
Ang OBS ay isang survey na isinasagawa na may kaugnayan sa transparency, accountability at public participation ng 86 bansa sa buong mundo.
Ang naturang survey ay isinagawa noong 2025 habang ang nakaupo pang Department of Budget and Management secretary ay si Amenah Pangandaman.
Ang Pilipinas ay nasa 1st rank sa Southeast Asia at 10th place naman globally for budget transparency, kung saan ang fiscal transparency score ay 76 mula sa 100.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Pilipinas ay nanguna sa budget transparency, na kung saan noong 2023 ang unang pagkakataon ng pagkakatala sa ilalim pa rin ng
liderato ni Pangandaman.
Ang OBS ay ang world’s only independent, comparative assessment of central government budget accountability na pinangangasiwaan ng International Budget Partnership (IBP).





Comments