BSKE postponement, hinamon sa Supreme Court

by BRO @News | September 28, 2026

Photo: File / Romulo Macalintal - PNA / Supreme Court
Hiniling sa Supreme Court (SC) na ideklarang labag sa Konstitusyon ang bagong batas na nagpaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2, 2026 hanggang Nobyembre 2028.
Nagsampa ng petisyon si election lawyer Romulo B. Macalintal laban sa Republic Act No. 12326 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Setyembre 24.
Hiniling din niya ang temporary restraining order para pigilan ang pagpapatupad ng batas at ipagpatuloy ang paghahanda ng Comelec para sa 2026 BSKE.
Ayon kay Macalintal, nagresulta ang dalawang pagpapaliban sa kabuuang tatlong taong extension sa termino ng kasalukuyang barangay at SK officials.
Iginiit niyang hindi dapat gamitin ang kapangyarihan ng Kongreso para ipagpaliban nang labis ang halalan.





Comments