Brownlee sinandalan ng Kings sa Game 5
- BULGAR

- Jun 13
- 1 min read
by Anthony Servinio @Sports News | June 13, 2026

Photo: Mahigpit na dumedepensa si Ginebra Kings Scottie Thompson upang hindi makawala sa opensa ang katunggaling si Roger Pogoy ng Talk 'N Text Tropang 5G sa maaksyong tagpo nila sa PBA Commissioners Cup Finals Game 5 sa Araneta Coliseum. (Reymundo Nillama)
Laro ngayong Linggo - Araneta 7:30 PM TNT vs. Ginebra
Sumandal ang Barangay Ginebra sa hindi makakalimutang laro ni Justin Brownlee upang daigin ang defending champion TNT Tropang 5G sa overtime, 100-95, sa Game Five ng 2026 PBA Commissioner's Cup Finals sa siksikang Araneta Coliseum Biyernes ng gabi. Maaaring kunin ng Gin Kings sa Game Six sa Linggo sa parehong palaruan.
Ipinasok nina Best Import Brownlee, Best Player of the Conference RJ Abarrientos at Troy Rosario ang mga pandiin na puntos sa overtime. Tinuldukan ni Abarrientos ang laro sa mga free throw para itakda ang huling talaan at nagmintis ang TNT sa nalalabing 14 segundo.
Hawak ng Gin Kings ang 34-22 bentahe subalit iyan ang hudyat para bumanat ang Tropa sa huling siyam na minuto ng pangalawa upang maagaw ang lamang, 50-48. Nakalimutan nila si Brownlee.
Pumalag pa rin ang Gins at umabante sa siyam na walang-sagot na puntos si Brownlee, 89-87, at 1:16 sa orasan. Tinabla ni Roger Pogoy ang laban, 89-89, at wala nang puntos sa huling minuto para itakda ang lima pang minuto.
Nagtapos si Brownlee na may 54 puntos na pinakamarami sa kanyang 10 taon sa PBA. Sumunod si Abarrientos na may 13 at 12 Kay Japeth Aguilar. Gumawa ng 38 si Chris McCullough para sa Tropa habang 23 si Pogoy. Nag-ambag ng 13 si Jordan Heading.





Comments