top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Brian at Sandro, sorry, may nanalo na… YASSI, WALANG PALAG NANG HALIKAN NI GOV. LUIGI VILLAFUERTE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 16, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 16, 2023



Dinagsa ng pangungutya si Yassi Pressman mula sa mga netizens pagkatapos kumalat sa social media ang video niya sa TikTok kasama si Presidential Son and Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.


Kita sa video ang pag-angkla ng braso ni Yassi kay Rep. Sandro sa isang event noong July 24.


Nakatanggap tuloy nang katakut-takot na pambabatikos sa social media ang aktres.


Hindi naman daw pala siya in pain and in tears gaya ng emote niya sa kanyang Instagram post a few days ago dahil sa hiwalayan nila ng kanyang Canadian businessman boyfriend na si Jon Semira.


May cryptic post kasi si Yassi sa kanyang IG na nagpapahiwatig na wala na sila ni Jon.


Say ng netizen kay Yassi, “May pag-emote pang nalalaman. ‘Di naman halata na brokenhearted sa mga photos na ‘to. Best Actress si ante.”


May mga netizens na nagtsika na sadyang magkaibigan lang daw sina Yassi at Rep. Sandro.

“Grabe ang lingkis agad.”


“Naki-bonding na kay BFF kasi wala na sila ng dyowa niya.”


Akusasyon pa ng iba kay Yassi, “Gustong maging First Lady.”


Although, knows ng mga netizens na ang girlfriend daw ni Rep. Sandro ngayon ay walang iba kundi si Alexa Miro.


Anyway, kasama sa entry na ‘to ni Yassi ang series ng black and white photos niya kung saan makikita sa kanyang tagiliran malapit sa kanyang breast ang isang hummingbird na tattoo.


Caption ni Yassi sa kanyang IG post, “It’s nice to be free like this hummingbird on me.”


Subali’t nu’ng balikan namin kahapon ang IG post na ito ni Yassi, deleted na ang cryptic message niya na “Not triple. Not double. But SINGLE.”


Pagkatapos kumalat ng video ni Yassi with Rep. Sandro, lumutang naman ang “kissing photo” nila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte during the 74th Foundation of Bombon celebration noong Linggo (August 13).


A certain netizen posted sa kanyang Facebook ang series of photos ni Yassi habang nagho-host ng event with Gov. Luigi at kitang-kita ang paghalik nito sa pisngi ng aktres.


Sa caption ay tila kinumpirma ng netizen na girlfriend na ni Gov. Luigi si Yassi.


“Gov. Luigi Villafuerte together with the apple of his eye, Ms. Yassi Pressman @Bombon, CamSur celebrating 74th Foundation of Bombon.”


Komento naman ng mga netizens sa mga kumalat na pictures ng paghalik ni CamSur Gov. Luigi kay Yassi sa isang event….


“Parang sila na nga.”


“Ang kalat niya mula Norte hanggang South.”


“Yassi Pressman is so busy.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page