top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Branded bags and shoes lang naman… X’MAS GIFTS NI VICE SA PAMILYA AT KAY ION, MAHIGIT P1 M!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2022
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 05, 2022




Taun-taon ay inaabangan ang bonggacious na paregalo ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang pamilya.


This year, nakakuha agad ng 2M views ang vlog ni Vice para sa kanyang “Last minute Christmas Shopping” na uploaded sa kanyang YouTube channel. Nag-shopping si Vice ng mga regalo para sa kanyang mahal na ina, mga kapatid, mga pamangkin at siyempre, sa kanyang boyfriend na si Ion Perez.


Nag-shopping si Vice sa Solaire Hotel & Casino ilang oras bago sumapit ang Noche Buena.


Wala pa raw kasi siyang nabibiling regalo para sa ina na si Nanay Rosario. Sinundo pa si Vice ng isang blue Rolls Royce sponsored by Solaire mula sa bahay nila.



“Taun-taon naman po talaga, eh, laging last minute ang pa-shopping ko dahil ang dami kong trabaho. Kaya kahit ano’ng ganap, sobrang busy man, marami mang hindi maganda na naganap sa paligid, I have to find time and I have to find a way to buy gifts for my family, for my loved ones,” sabi ni Vice.


Pangako raw talaga ni Vice sa sarili na kahit ano raw ang nangyayari sa paligid, ise-set aside niya ‘yun at gagawa siya ng paraan para makapagbigay ng regalo para sa kanyang mga mahal sa buhay.


“Kasi ‘yung gifts, ‘yun ang ano ko, eh, language of love ko. At sa mga dalahirang tsismosa d’yan na sasabihin, ‘Naku, sa-shopping-shopping pa sa panahon na ‘to, ang daming nasalanta ng bagyo, ng ganyan,’ kumalma kayo. Para sa ikapapanatag ng loob ninyo, huwag kayong mag-alala, nagawa ko ‘yung dapat kong gawin. Kaya huwag na kayong mag-isip-isip pa ng kung anu-ano pa na sasabihin ninyo, ‘Naku, ang dami-daming nasalanta, ang daming walang bahay, ang daming hindi kumakain sa panahong ‘to, nagsa-shopping-shopping ka pa. That’s so insensitive!’ kumalma kayo, mga dalahira kayo d’yan,” depensa ni Vice.


Ayan, inunahan na ni Vice ang mga bashers niya.


“Every December, inaantay ko talaga ang shopping ni Vice ganda. Sinampal na naman ako ng kahirapan.”


“Been waiting for this. Every year ko inaabangan X’mas shopping ni Ate Vice. Esp. now, pampa-good vibes sa madilim na mundo dito sa Cebu.”


“Thoughtful magregalo si Vice. Branded pero ‘yung functional and ‘yung kung ano talaga gusto and magagamit ng family members. Suwerte ng mga pamangkin!”


Marami naman ang na-inspired sa latest vlog ni Vice.


“Thank you Ate Vice for being an inspiration! Mas lalo akong naganahan na mag-aral nang mabuti at magkaroon ng magandang trabaho para matulungan ko ‘yung family ko at maibigay ang kanilang mga pangangailangan.”


“Ito ang tanging nagsa-shopping sa mga luxury stores na ang sarap panoorin kasi walang halong pagmamayabang, mag-e-enjoy ka lang manood at higit sa lahat, ‘di ka makakaramdam ng inggit, bagkus inspiration na magsumikap sa buhay para one day, magagawa mo rin ang mga bagay na ganito (three smiling face with hearts).”


Last year, Rolex watch ang regalo ni Vice sa kanyang ina at jewelries naman sa kanyang mga kapatid at pamangkin. Nitong nakaraang Pasko, isang Christian Dior bag ang gift ni Vice sa kanyang Nanay Rosario.


Branded bags din ang gift ni Vice sa kanyang mga “sisters” at kay Ion, at rubber shoes sa kanyang dalawang pamangkin. For this, hinangaan ng mga netizens si Vice.



“Suwerte naman ng mother at mga kapatid mo for sharing your blessings that’s why you are so blessed. Hindi lahat ng sinusuwerte sa buhay, ganyan ang ginagawa sa kanyang pamilya. Happy New Year!”


Sa tantiya namin, more than P1 million ang mga biniling branded bags and shoes ni Vice as gifts para sa kanyang loved ones.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page