Boy, may billboard na rin sa Times Square sa New York
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 19, 2021

Nakabalik na ng Pilipinas ang King of Talk na si Boy Abunda mula sa ilang linggong pamamalagi sa Amerika. Ang dami-daming ganap ni Kuya Boy habang nasa US, partikular na sa New York.
Although, namasyal din siya sa New Jersey at ang kanyang long-time partner na si Bong Quintana plus their companions na sina Philip Roxas at Demi Enotalio.
It is the time of the year na nagpupunta talaga si Kuya Boy sa US. Kadalasan, doon na siya sa Amerika nagse-celebrate ng kanyang birthday which is on October 29.
But this time, hindi na hinintay ni Kuya Boy na mag-celebrate ng kanyang birthday sa US. For sure, ang dami pang commitments na naghihintay sa kanya rito sa 'Pinas at marami na rin ang nag-aabang kung siya ba ‘yung tinutukoy na kasunod ni Kuya Kim Atienza na iiwan ang ABS-CBN.
Then, nag-host si Kuya Boy sa TOFA Awards Night at The Carnegie Hall kung saan nag-perform ang world-class talent na si Ez Mil who is behind the viral song Panalo on YouTube.
May exclusive interview si Kuya Boy kay Ez Mil na kilig na kilig namang nainterbyu siya ng King of Talk.
“Hindi talaga ako makapaniwala na nakaharap ko na si Tito Boy. Pinapanood ko lang kasi siya sa TV,” sabi ni Ez Mil na nabasa namin sa Facebook post ng assistant ni Kuya Boy na si Philip.
Watch out ang exclusive interview ni Kuya Boy kay Ez Mil sa kanyang YouTube Channel, ang The Boy Abunda Talk Channel.
Pagkatapos ay nakapag-pictorial din doon si Kuya Boy para sa isang billboard na ilalagay sa pamoso at mataong Times Square sa New York.
Bonggacious ni Kuya Boy, ha? Siya lang ang alam naming local celeb na may billboard sa New York with matching pictorial pa na made doon, 'noh! Ibang klase talaga ang King of Talk!
Hindi pa ‘yan, nakita at nainterbyu rin ni Kuya Boy ang kontrobersiyal na si LJ Reyes sa The Buren Cafe in Brooklyn, New York na pagmamay-ari ng pamilya ng aktres.
Matatandaan na sa exclusive interview din ni Kuya Boy kay LJ sa YouTube channel ng King of Talk unang sumambulat ang kumpirmasyon ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.
And now, first time ring magsasalita ni LJ sa kanyang buhay sa New York kasama ang dalawang anak na sina Aki (anak niya kay Paulo Avelino) at Summer (daughter niya kay Paolo Contis).
Sabi ni Philip sa amin na siya ring nagdirek at nag-ayos ng set para sa exclusive interview ni Kuya Boy kay LJ, abangan ang kasagutan ng aktres sa tanong kung pupunta ba siya sa Baguio “as a friend” sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, soon.
Last Sunday night, si Kuya Boy ang biggest winner sa katatapos lang na 34th PMPC Star Awards for TV. Siya ang nanalo sa kategoryang Best Celebrity Talk Show Host and Best Public Affairs Program Host. At ang kanyang mga shows na Tonight with Boy Abunda and The Bottomline are proclaimed Best Celebrity Talk Show and Best Public Affairs Program.
Kuya Boy is also this year’s recipient of the prestigious Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
As of this writing, naka-quarantine pa sina Kuya Boy at Sir Bong sa isang undisclosed place.
Welcome back and congratulations, Kuya Boy!





Comments