Botong-boto para kay Bimby… KRIS, 8 YRS. OLD PA LANG SI RYZZA, TINAWAG NANG ‘DAUGHTER-IN-LAW’
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 3, 2026

Photo: Kris Aquino at Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga - TVJ
Nakakabilib naman talaga ang ibang netizens na nahalukay pa ang old video ni Kris Aquino noong nag-guest siya sa The Ryzza Mae Show (TRMS) ni Ryzza Mae Dizon 12 years ago.
Viral ngayon ang clip ng nasabing show kung saan ay tinawag ng Queen of All Media si Ryzza na ‘my future daughter-in-law’.
That time ay 8 years old pa lang si Ryzza at si Kris naman was in the pink of health.
Sey noon ni Kris, “Good morning, Ryzza, my future daughter-in-law.”
Tanong naman ng child star, “Ano po ‘yung daughter-in-law?”
Sagot ni Tetay, “Manugang. Kung magkatuluyan kayo ni Bimby, magiging mommy mo na ‘ko.”
Natawa naman si Ryzza na at her young age then ay bibung-bibo na.
Sey ulit ni Kris, “Mga ano pa, 20 years from now.”
Dagdag pa niya, “Kasi 8 ka ngayon, 6 s’ya, di okay na ‘yun. ‘Pag 26 s’ya, 28 ka, puwede na.”
Tinawag na nga agad ni Ryzza na ‘Mama’ si Kris nang time na ‘yun. Hahaha!
Sey pa ni Tetay sa clip, na-meet na raw niya ang nanay ni Ryzza at like niya rin ito.
At nakakatuwa naman na 12 years after, heto’t mainit ngang pinag-uusapan ang tambalan nina Bimby at Ryzza Mae sa Eat… Bulaga! (EB!) at marami ang kinikilig sa kanila. Mukhang magkakatotoo nga ang sinabi ni Kris na magiging manugang niya ang dating child star na ngayon ay dalagang-dalaga na.
Aliw na aliw naman ang ibang mga netizens na mina-manifest na pala ni Kris noon pa na maging manugang si Ryzza.
“Shet (sh*t), now it is happening! Is this the upcoming wedding of the year na ba?” komento ng isang netizen.
LABIS na ikinalungkot ng aktres na dating housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) na si Bianca de Vera ang larawan ng pamilya Baterbonia na nasa dalampasigan sa Dipaculao, Aurora kung saan nangyari ang aksidenteng pagkalunod ng Ateneo Blue Eagles basketball player na si Rene Baterbonia.
Sa kanyang latest Facebook (FB) post ay ibinahagi ng aktres ang nasabing larawan at nagbigay ng madamdaming mensahe.
“Ang hirap at ang sakit tingnan ng pamilya ni Rene sa ganitong kalagayan. Walang sapat na salita ang makapagsasabi kung gaano kabigat ang nararamdaman nila habang nakaharap sa malawak na karagatan ng Aurora.
“Kasama n’yo kami sa inyong pagdadalamhati,” ang caption ni Bianca.
Kaagad namang ini-like ng mga netizens ang nasabing post at umani rin ng samu’t saring reaksiyon.





Comments