Boston Celtics, tinambakan ang Miami Heat sa game 5
- BULGAR

- Sep 27, 2020
- 1 min read
ni MC - @Sports | September 27, 2020

Nabuhay ang dugo ng Boston Celtics sa ginaganap na NBA Eastern Conference finals matapos buweltahan ang Miami Heat, 121-108 sa do-or-go-home Game 5 at makahirit pa ng Game 6 ang laro na idinaraos sa Walt Disney World sa Orlando, Florida kahapon.
Nanguna sa panalo sa Boston si Jayson Tatum na kumamada ng 31 puntos at ipinilit talagang maipanalo ang laro nang bantayang mabuti ang Game 4 hero ng Miami na si Tyler Herro upang malimitahan ang puntos nito at sirain ang momentum ng Heat.
Bumida rin sa panalo ng Celtics si Jaylen Brown na bumanat ng 28 puntos para mailagay sa 3-2 ang kartada sa best-of-seven Eastern Conference finals series at manatiling buhay at humihinga pa sa sagupaan.
Dahil sa panalo napalawig ng Boston ang serye at sa Linggo gaganapin ang Game 6 kung saan sinabi ng Heat na gagawa sila ng malaking pagbabago sa kanilang estratehiya upang makapasok na sa NBA finals at tuluyan nang gibain ang Celtics na tinalo sila ng dalawang sunod (Game 3 at 4).
Nasayang naman ang ikinamadang 23 puntos ni Goran Dragic para sa Heat habang hindi naman nakaporma si Herro na kumamada lang ng 14 puntos dahil sa mahigpit na depensang inilatag sa kanya ng Boston.





Comments