Bongga talaga!!! HEART, MILYONES NA BAG ANG GIFT SA DESIGNER
- BULGAR

- Jun 21, 2024
- 3 min read
Updated: Jun 22, 2024
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 21, 2024

Bonggacious at napaka-generous palang magregalo ni Heart Evangelista sa mga taong malapit sa kanya. Tulad na lang ng fashion designer na si Michael Leyva na balitang niregaluhan niya ng Hermes Birkin bag na almost P1M ang halaga.
Ganu’n daw talaga magmahal ng kaibigan si Heart. At hindi lang si Michael ang nakatanggap ng mamahaling regalo, basta raw nakuha ang loob at nagtiwala si Heart sa isang kaibigan ay super generous siya bilang pasasalamat sa serbisyong ibinibigay sa kanya.
Nagkalapit sina Heart at Michael Leyva sa isang fashion show na ang title ay Isang Pilipinas na nagtampok ng mga creations ng designer. Si Heart ang nagbukas ng nasabing fashion show at siya ang unang rumampa suot ang isang Filipiniana dress na napapalamutian ng libu-libong perlas.
Pasado sa taste ni Heart Evangelista ang style ni Michael Leyva, kaya madali silang nagkasundo.
MARAMI ang nagsasabing hindi na dapat pumatol at nag-react sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa nag-comment nang makita ang ipinost nilang photos sa social media.
Lantad na kasi sa nasabing larawan na buntis nga si Ria pero wala silang ginawang pag-amin sa publiko.
Well, dapat daw, kung ayaw ni Ria Atayde na pagpiyestahan ang kanyang pagbubuntis ay ‘wag muna siyang maglalabas sa social media ng mga photos dahil pareho silang celebrities ni Zanjoe. Kaya natural lang na maraming netizens ang gustong malaman kung totoong buntis na siya.
Kung tutuusin, hindi naman big deal kung totoong buntis nga si Ria. Kasal naman na sila ni Zanjoe. Ine-expect din ng lahat na magiging mommy na si Ria. Maging si Sylvia Sanchez ay excited nang maging lola.
Well, ayaw pangunahan ni Sylvia ang mag-asawa na magsabing buntis si Ria. Ayaw daw kasi nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na isapubliko ang mga kaganapan sa buhay ng una nilang anak, kaya naman inirerespeto ni Sylvia Sanchez ang pakiusap sa kanya.
MARAMING nang-bash kay Nadia Montenegro nang mag-post siya ng kanyang larawan na nakasuot ng military uniform. Isa ring ganap na Navy reservist si Nadia at natapos niya ang required na short military training course.
Binatikos nga si Nadia ng ilang netizens dahil nag-volunteer pa raw itong maging Navy reservist gayung 52 years old na siya, overweight at PWD (person with disabilities) pa.
Bulag ang isang mata ni Nadia, pero nakaya niyang lagpasan ang mahirap na training.
Gayunpaman, dedma si Nadia sa mga bashers. Walo ang anak niya na puro grown-ups na kaya puwede na niyang gawin ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng fulfillment, tulad ng kanyang pagpasok bilang Navy reservist.
Kahit paano ay proud siya sa sarili at handa naman siyang magserbisyo sa Navy kung kinakailangan.
Sa ngayon ay tumutulong si Nadia Montenegro sa opisina ni Sen. Robin Padilla.
EXTENDED pa rin ang afternoon soap na Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap dahil mataas pa rin ang ratings nito.
Kaya naman tuwang-tuwa ang buong cast ng AKNP especially si Ken Chan. Sa buong career daw ni Ken, ngayon lang siya nakaranas na dapat ay guest lang siya sa serye, pero umabot na ng mahigit isang taon ang exposure niya. Kakaibang experience raw ito at magaan katrabaho ang cast ng AKNP.
Laging inaabangan ng mga viewers kung sino'ng celebrity ang susunod na papasok at magge-guest sa serye.
Ang veteran actress na si Pilar Pilapil ang latest character na nadagdag bilang nanay ni Moira na ginampanan ni Pinky Amador.
Nakaabang na rin ang pagpasok ng isang magaling na female celebrity na magpapabago sa takbo ng istorya.
Kasalukuyang nasa abroad si Pinky Amador para sa isang musical play, kaya no choice at pinatay na ang kanyang character sa Abot-Kamay Na Pangarap.





Comments