Bongga ang pamasko… JENNYLYN AT DENNIS, NAMIGAY NG TIG-10 K SA GRAB DRIVER, TINDERO, ETC.
- BULGAR
- Dec 29, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 29, 2021

Sampung tao na random na pinili ang pinasaya nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado noong Pasko. Binigyan ng mag-asawa ng cash ang mga napili nilang regaluhan bilang pagse-share ng blessings at happiness sa first Christmas nila bilang mag-asawa.
Lahat ng binigyan ng cash nina Dennis at Jennylyn ay nagulat at natuwa sa unexpected regalo na natanggap nila. Gaya ng taho vendor, Grab driver, mag-asawang senior citizens, babaeng nasa lansangan at lalaking hindi alam kung saan magpa-Pasko, at ang first fan nila na nag-subscribe sa kanilang YouTube channel.
Hindi lang kami sure kung pare-parehong P10,000 ang ipinamigay nina Dennis at Jennylyn dahil ‘yun ang ibinigay nila sa Grab driver.
Sabagay, sabi ni Dennis, “Maliit man o malaki, ang importante, makatulong tayo in our own little way kasi ‘pag pinagsama-sama lahat ‘yang effort na ‘yan ay malaki na rin ang magagawa.”
May donation drive pa silang StarTruck na nangangalap ng donation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Kaya sinusuwerte ang mag-asawa dahil marunong mag-share ng blessings.
Si Dennis, guest sa Voltes V: Legacy at si Jennylyn, pagkapanganak, itutuloy ang series nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat at may gagawin pang pelikula.





Comments