top of page

Blue Ribbon Committee, In aid of legislation lang, pero mga senador umaaktong ‘prosecutor’ at ‘persecutor’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 40 minutes ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | December 4, 2025



Bistado ni Ka Ambo


May nagsasabing walang gaanong kamandag ang imbestigasyon ng ICI kumpara sa Blue Ribbon Committee ng Senado.

Masyadong malamlam at walang kakayahang mag-contempt sa mga nagsisinungaling na resource person.

-----$$$--

Gayunman, higit na kagalang-galang ang proseso sa ICI kumpara sa Blue Ribbon na maraming eksena na mailalarawan na “uncivilized” dahil masasabing tinatakot at ‘binu-bully’ ang mga resource person o ang kanilang mga panauhin.

Mamili kayo ICI o Blue Ribbon?

----$$$---

MALAYA ang mga tao na ikumpara ang proseso sa ICI at Blue Ribbon.

In aid of legislation lang ang purpose sa Blue Ribbon pero umaakto ang mga senador bilang “prosecutor” at may ilang pagkakataon na mistulang “persecutor”.

----$$$--

SA kabilang panig, maayos at mahinahon ang proseso sa ICI at kahit nahahalata nilang nagsisinungaling ang mga “respondent” — mahinahon pa rin sila.

Maaaring para sa kanila, ang mga hawak nilang “ebidensiya” ang magpapasya kung guilty o not guilty ang mga resource persons.

----$$$--

SA totoo lang, anumang makalap na ebidensiya at testimonya ng ICI — ay isusumite sa Ombudsman at malaya ang Ombudsman na magpasya kung ito ay sapat upang makasuhan o ideklarang guilty ang mga resource person.

Mas naaayon sa batas at Konstitusyon ang proseso sa ICI taliwas sa Senado na naghari-harian ang mga “interrogator” kung saan mistulang itinuturing agad na “guilty” ang mga resource persons.

----$$$--

PUMUPOSTURA ang ilang “senator-interrogator” na sila ang “nakakaalam ng katotohanan” — at kapag hindi nagustuhan ang testimonya ng kanilang “panauhin” ikino-contempt ito — sa pagsasabing “nagsisinungaling”.

Makikita rito na “kapos sa pang-unawa” ang ilang senador kung ano ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Isa itong kahihiyan.

-----$$$--

MAHALAGANG mai-live stream ang proseso sa ICI upang matuto ang mga senador na maging “kagalang-galang” at maiwasan maging “palengke” ang institusyon na kanilang ginagalawan.

Ang pagiging guilty o hindi guilty — ay matutukoy lamang sa lehitimong husgado — hindi sa Senado, hindi sa Ombudsman at hindi rin sa ICI.

-----$$$--

TAMA lang ang pagla-live stream ng imbestigasyon sa ICI dahil batay sa Konstitusyon -- ang bawat suspek, akusado o respondent -- ay kinukonsiderang “INOSENTE” hangga’t hindi nahahatulan ng hukuman.

Taliwas ito sa proseso sa Senado — mistulang “guilty” ang turing sa ilang ‘binu-bully’ nilang mga“panauhin”.

Isa sa hinihinalang biktima — ay ang nagpakamatay na si dating AFP Chief, ex-Defense Secretary Angelo Reyes na sinasabing nagkaroon ng depresyon matapos ang “pagdinig sa Senado”.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page