top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Biyaya kay Silver medallist Petecio, dumagsa na rin

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2021
2 min read

ni Gerard Arce / MC - @Sports | August 05, 2021




Makaraang maibulsa ni Nesthy Petecio ang makasaysayang Olympic silver medal para sa Pilipinas, naghihintay na ang mga regalo, pledges, financial rewards, at mga negosyong inaalok ng mga may butihing loob na maykaya sa buhay.


Ang Olympic silver medalist ayon sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, ay pagkakalooban ng P5 milyon ng gobyerno.


Makatatanggap din siya ng P5 milyon mula sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation at isa pang P5 milyong pledge mula kay business tycoon Ramon Ang. May dagdag ding P2 milyon mula kay Rep. Mikee Romero. Nakaabang din ang Philippine Airlines (PAL) na binigyan siya ng lifetime free airfare, katumbas o ng 60,000 Mabuhay Miles kada taon. Hindi rin nagpahuli ang AirAsia dahil may unlimited flights mula sa AirAsia siya sa loob ng 5 years. Nagkaloob din ng P10-M fully-owned condo unit ang Suntrust Properties Inc. sa ilalim ng Andrew Tan’s Megaworld Corp.sa Davao Park District. Magbibigay din ng P2.5-M na house and lot ang Ovialand sa Caliya, Candelaria. May P3 million mula sa Siklab Atleta Pilipinas Foundation Phoenix Petroleum Philippines Inc; at P300,000 na city athletes’ incentives mula sa Baguio City.


At dahil katunog ng pangalan niya ang kumpanyang Nestea Phils.pagkakalooban siya ng mga produkto ng Nestle sa mapipiling NGO ni Nesthy sa pinagmulang bayan na Santa Cruz, Davao del Sur.


Nag-alok din ng libreng blood tests hanggang 2024 ang Bloodworks sa lahat ng sangay nito sa buong bansa. May libre ring milktea si Nesthy habangbuhay mula sa Chacago Go Phils.


Siya ang kauna-unahang babaeng sumabak sa Olympic boxing na nagkamit ng medalya para sa bansa, ang pinakaunang Olympic medal na nasungkit ng Pilipinas sa larangang ito ay nakamit nang manalo si Mansueto “Onyok” Velasco ng pilak na medalya noong 1996.


Naging matindi ang pinangdaanang laban at pagsubok ng 2019 SEAG gold medalist bago makatungtong ng final round ng women’s 57kgs category; tinalo niya sa round-of-32 si Marcelat Sakobi Matshu ng Congo; sinundan naman ng napakahirap na pagtutuos kay No.1 rank at dating World champion Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei sa round-of-16; Yeni Arias ng Colombia sa quarterfinals at Irma Testa ng Italy sa semifinals, habang nakapasok ito ng Olympics sa pamamagitan ng World rankings matapos malaglag sa 2020 Olympic Qualifying Tournament sa quarterfinals kontra rin sa Japanese boxer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page