top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Bitbit ng BF sa party… KATHRYN, TODO-THANK YOU SA PAMILYA NI MAYOR MARK NA TINANGGAP SIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
13 hours ago
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 24, 2026



BIDA Bitbit ng BF sa party… KATHRYN, TODO-THANK YOU SA PAMILYA NI MAYOR MARK NA TINANGGAP SIYA_FB Circulated

Photo: FB Circulated



“She looks happier,” comment ng mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo nang makita ang photos and video nila ng  boyfriend niyang si Lucena Mayor Mark Alcala.


Magkasama ang couple na dumalo sa birthday party ng relative ni Mayor Mark. Nakita ng mga fans ang isang Kathryn na mas free to express how she feels. Hindi na siya kinakitaan na nag-iingat na baka may makakita sa kanila.


Nakita rin na hindi na nila itinatago ang kanilang mga mukha at hindi na takot makunan ng pictures, na nakasuot noon ng cap at face mask. Dahil na rin siguro party ang kanilang dinaluhan.


Sa kanyang speech bilang address sa birthday celebrator, sabi ni Kathryn, “Thank you for welcoming me to your family. Masaya po na maging part ng pamilya na ‘to.”

Masaya ang mga fans ni Kathryn na happy ang love life niya at wish nilang magtuluy-tuloy at magtapos nang masaya.





Malakas ang koneksiyon dahil nasa pulitika… MIKEE NA-BASH, PBB LIVESTREAM, IPINATIGIL DAW NG PAMILYA



HINALUAN na ng pulitika ang PBB Collab 3.0 at itinuturong may kinalaman sa pagpapatigil  ng livestreaming ng reality show si Mikee Quintos. 


Sobra kasing na-bash si Mikee sa mga nakaraang episodes ng show, personal na ang tira ng iba sa kanya, kaya naglabas ng statement ang Sparkle GMA Artist Center condemning the actions of the netizens.


Nabasa namin sa Politiko ang “Malakas pamilya kay Kuya? Mikee Quintos’ political ties spark questions over PBB livestream shutdown.” Inilatag ang influential political ties ni Mikee from her father and sister na Manila councillors ngayon and her mom.


Sinundan ito ng post ni Xian Gaza na “TSISMIS: Tinanggal ‘yung PBB Livestream kasi na-bash daw online ‘yung Mikee Quintos. Ang tsismis, eh, ginamit daw ng father nu’ng Mikee at ginamit ng GMA ‘yung political connections nila para takutin ang PBB producers na ipasara ang programa.”


Sa comment ng mga netizens, may naniniwala na may kinalaman si Mikee at ang pamilya nito sa desisyon na itigil ang livestream. 


Comments na “Kaya pala,” “Bahay Ni Mikee pala edition ngayon,” “Sorry na lang sa hindi malakas kay Kuya,” “Siyempre, maniniwala kayo dahil basher kayo ni Mikee,” “Mabilis pala mapa-oo ni Mikee si Kuya,” at “Nepo baby pala kaya strong ang aura,” ang ilan sa mga mababasa.


Tanong ng mga supporters ni Mikee, sino’ng maniniwala na maiimpluwensiyahan ni Mikee at ng pamilya nito si Kuya at ang PBB? Gaano ba sila kalakas sa PBB para ipatigil ang livestream?


Sa kaso ni Gaza, hindi makapag-react sa kanya ang mga supporters ni Mikee dahil naka-off ang comment box ng Facebook account niya. Buksan daw niya ang comment box para marinig ang boses nila.


Kaugnay sa pagpapatigil sa livestream ng PBB, may announcement tungkol dito, “PBB Livestream is out, PBB Extras is in!” 


Ang ibig sabihin nito, ang PBB Extra ang ipinalit sa PBB Livestream at limang oras na PBB content (hindi nga lang live) ang mapapanood simula ngayong Martes sa iWant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page