top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bistek, bagong BF daw… HERBERT, PARANG TUNGKOD LANG NI RUFFA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 05, 2021



Naagaw ang atensiyon ng mga netizens at Marites sa naging sagot ni Ruffa Gutierrez sa sinabi ng kanyang inang si Annabelle Rama na "maliit pero mabait" ang rumored BF niyang si dating QC Mayor Herbert Bautista.


Sabi kasi ni Ruffa, "Maliit?? Well, I'm 5'10" so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn't matter. Or does it?"


Sa sinabi ni Ruffa, napa-"OMG, so totoo!" ang isang netizen.


Sabi naman ng mga Marites, "Desperada na. Ano ba naman kayo, mawawala na siya sa bingo (card), eh, single pa rin. Hayaan n'yo na."


"D'yan lang pala bagsak ni Ruffa G., major downgrade."


"Pumayag na si mudra kasi tandercat na siya. Settle for less na itey."


"Aba, himala! Ayaw ni Tita Annabelle ru'n sa last na matangkad, guwapo at may multiple degree."


"So, sila nga."


"Super downgrade si Ruffa kay Herbert. HAHAHA!"


"Downgrade, eh, matrona na si Ruffa, anovah?"


"True, 'pag nakikita ko siya sa Showtime, naiisip ko na ang ganda niya pero 'di niya inalagaan sarili niya."


Sobra raw ang pagka-defensive ni Ruffa kay Bistek.


"Justify pa more! Parang defensive si Ruffing sa relasyon nila ni Bistek mula nang lumabas ang balita, hahaha!"


Witty naman ang komento ng isang ito, "'Pag nagsama sila, parang tungkod niya si HB."


Tanong naman ng isang netizen, "Bakit lakas maka-budol nitong si Herbert??? Ano'ng meron siya???"


Susog pa ng isa, "Natawa ako, true naman, ano kaya ang agimat ni HB? Kahit si Kris nga, eh, talino nu'n. Si Ruffa rin naman, na-in love na rin. Kelan kasalan?"


"Wow naman, Ruffa, bakit si Bistek??? 'Wag naman 'yan, please?"


"'Wag naman sana nega masyado ang utak. Both Ruffa and Herbert are old enough, mabuting tao si Herbert at responsible at jusko po, matanda na sila, bakit kailangan pa nating pakialaman ang buhay nila? Wala sa height 'yan, sila naman ang magsasama, hindi kayo. So, ba't kayo affected? Utak-talangka tawag d'yan. 'Pag inggit, pikit!"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page