Bisa ng waiver o quitclaim ng isang empleyado

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 12, 2026

Dear Chief Acosta,
Nagtatrabaho ako sa isang ahensya bilang isang security guard. Makalipas ang halos sampung taon ng paglilingkod, bigla na lamang kaming sinabihan na wala nang assignment na maibibigay sa amin sa kasalukuyan. Dahil dito, nagpasya akong mag-resign na lamang. Pinapirmahan ako ng quitclaim at waiver ng kumpanya para makuha ko ang aking final pay. Matapos nito, agad din akong naghain ng reklamo para sa illegal dismissal at separation pay sa NLRC. Sabi ng kumpanya ay patunay ang waiver at quitclaim na aking pinirmahan na wala na akong maaaring i-claim pa mula sa kanila. Hindi po ba ang mga waiver at quitclaim ay karaniwang walang bisa kung ang mga ito ay sa pagitan ng manggagawa at ng kaniyang amo? — Johan
Dear Johan,
Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Jose C. Aladin, et al. vs. JCA Security Services, Inc. et al., G.R. No. 252754, 08 August 2022. Ayon sa Korte Suprema, hindi lahat ng waiver o quitclaim ay walang bisa:
“Quitclaims are not disfavored in es.se. As provided by Bantolino v. Coca-Cola Philippines, quitclaims represent transactions that must be upheld unless shown to be unconscionable:
Not all waivers and quitclaims are invalid as against public policy. If the agreement was voluntarily entered into and represents a reasonable settlement, it is binding on the parties and may not later be disowned simply because of a change of mind. It is only where there is clear proof that the waiver was wangled from an unsuspecting or gullible person, or the terms of settlement are unconscionable on its face, that the law will step in to annul the questionable transaction. But where it is shown that the person making the waiver did so voluntarily, with full understanding of what he was doing, and the consideration for the quitclaim is credible and reasonable, the transaction must be recognized as a valid and binding undertaking.”
Sang-ayon sa nasabing desisyon, hindi lahat ng waiver o quitclaim ay walang bisa. Ito ay may bisa kung maipakikita na ito ay boluntaryong pinirmahan, lubos na naiintindihan, at ang konsiderasyon para rito ay sapat at patas.
Dagdag pa ng Korte Suprema, may tatlong pamantayan upang masabing may bisa ang isang waiver o quitclaim:
“Case law further establishes the parameters in determining whether a quitclaim, release or waiver is valid:
That there was no fraud or deceit on the part of any of the parties;
That the consideration for the quitclaim is sufficient and reasonable; and
That the contract is not contrary to law, public order, public policy, morals or good customs, or prejudicial to a third person with a right recognized by law.”
Malinaw ang mga pamantayan upang masabing may bisa ang isang waiver o quitclaim. Kung wala namang panloloko at panlilinlang; sapat at patas ang konsiderasyon; at ang kasunduan ay hindi labag sa batas, public order, public policy, morals, good customs, at hindi nakakaapekto sa karapatan ng ibang tao, ito ay may bisa.
Kinikilala ng batas na kahit ang isang manggagawa at ang kaniyang amo ay maaaring pumasok sa isang kasunduan gaya ng waiver o quitclaim.
Kaya naman, hindi maituturing na walang bisa ang isang waiver at quitclaim dahil lamang ito ay sa pagitan ng isang manggagawa at kaniyang amo. Ito ay sapagkat ang mga partido ay may kakayahan at karapatang pumasok sa isang kasunduan, at may sapat na kalayaan na ilagay kung ano ang kanilang mga mapagkakasunduan na hindi labag sa batas, public order, public policy o moralidad. Pakitandaan lamang na ang isang waiver o quitclaim, upang magkaroon ng bisa, ay dapat na sumunod sa mga nabanggit na alituntunin.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments