Bisa ng testamentong sulat-kamay
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 26, 2022
Dear Chief Acosta,
May bisa pa rin ba ang naiwang testamento kahit ito ay hindi notaryado? - Alden
Dear Alden,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Section810 ng ating New Civil Code of the Philippines, maaaring mag-iwan ng holographic will ang tao at hindi ito kinakailangang manotaryohan. Ayon sa nasabing batas:
“Art. 810. A person may execute a holographic will which must be entirely written, dated, and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form, and may be made in or out of the Philippines, and need not be witnessed.”
Samakatwid, kinakailangan lang na ang holographic will ay nakasulat, may petsa at pinirmahan gamit ang sulat-kamay ng namatay at hindi kinakailangan pa ng testigo para rito.
Ibig sabihin, kahit na hindi notaryado ang testamentong sulat-kamay, may bisa ito kung sumunod ito sa probisyon na nabanggit sa itaas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments