top of page

Bisa ng Certificate of Land Transfer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 18, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May nang-aangkin ng lupa naming mag-asawa sa probinsya. Sapat na ba bilang patunay ng pagmamay-ari ang Certificate of Land Transfer (CLT)? – Nanang



Dear Nanang,


Ang isang pangunahing prinsipyo sa pagpaparehistro ng lupa sa ilalim ng Torrens System ay ang certificate of title, na nagsisilbing katibayan ng pagmamay-ari ng kapiraso ng lupa ng taong nakapangalan dito.


Kaugnay nito, sa kasong Regino Dela Cruz vs. Ireneo Domingo, et. al., G.R. No. 210592, 22 Nobyembre 2017, sa panulat ni Honorable Associate Justice Mariano C. Del Castillo, pinasyahan ng Korte Suprema na hindi sapat na patunay ng pagmamay-ari ng lupa ang Certificate of Land Transfer (CLT): 


Dela Cruz asserted that he is the owner of the parcels of land covered by Domingo’s TCT EP-82013 and TCT EP-82015, and that these lands are covered by his CLT 0401815; and for this reason, Domingo’s titles should be cancelled and annulled. This is the essence of his claim.


However, a certificate of land transfer does not vest ownership in the holder thereof. In Martillano v. Court of Appeals, this Court held that –


x x A certificate of land transfer merely evinces that the grantee thereof is qualified to, in the words of Pagtalunan, ‘avail of the statutory mechanisms for the acquisition of ownership of the land tilled by him as provided under Pres. Decree No. 27.’ It is not a muniment of title that vests upon the farmer/grantee absolute ownership of his tillage. On the other hand, an emancipation patent, while it presupposes that the grantee thereof shall have already complied with all the requirements prescribed under Presidential Decree No. 27, serves as a basis for the issuance of a transfer certificate of title. It is the issuance of this emancipation patent that conclusively entitles the farmer/grantee of the rights of absolute ownership. x x x


Tinalakay rito na ang CLT ay nagpapatunay lamang na ang napagkalooban nito o grantee ay kuwalipikadong makinabang sa mekanismo ng batas para magmay-ari ng lupang sinasaka niya sa ilalim ng batas, ngunit hindi ito nangangahulugan na iginagawad na ang lupa. Sa halip, kailangang sundin ng grantee ang mga itinatakda ng batas para tuluyang maigawad sa kanya ang lupa. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page