top of page
Search
  • BULGAR

Binully na dyuts... MIGGY AT KOKOY, NAGSAPAKAN

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 7, 2024



Umiling lang si Miggy Jimenez sa tanong kung totoong maliit lang ang kanyang ari, dahil naging tampulan siya ng tukso sa nakaraang screening ng pelikulang Your Mother’s Son na ginanap sa Gateway 2 Cinema 18 kamakailan.


Maraming love scenes sa Your Mother’s Son na idinirek ni Jun Robles Lana, na siya ring sumulat ng script kasama si Elmer Gatchalian at mapapanood ito sa opening ng ENLIGHTEN: The Idea First Film Festival na gaganapin sa Gateway Cineplex 18 simula sa Abril 12-14.


Threesome sina Miggy at Kokoy de Santos sa love scene kasama si Sue Prado na talagang topless.


Todo-selos si Kokoy dahil mag-asawa ang turingan nila ni Sue pero bakit may Miggy pang kasama, bagay na sinabi ng aktres na huwag na itong magselos dahil maliit lang naman daw ang pag-aari nito at mas nasisiyahan pa rin siya sa una dahil malaki ang pagkalalaki nito.


Kaya nagkaroon ng lakas ng loob si Kokoy na mas lamang siya kay Miggy kaya binu-bully niya ito at idinrowing pa sa pag-aaring gitara ang ari ng lalaki at may nakalagay na, ‘liit-t*ti’, dahilan kaya nagsapakan ang dalawa.


Tawang-tawa raw sila sa eksenang ‘yun na may isinulat sa gitara kaya tinutukso na si Miggy na sabi na lang niya, "Ayaw ko na lang magsalita pero alam naman ninyo ang totoo." At dahil hindi naman talaga marunong mag-gitara, ay dito ibinaling ng Kapamilya actor na nakilala sa TV series na Senior High na mas hirap siyang tumugtog kaysa sa love scenes nila ni Sue.


“‘Yung guitar po, sobrang struggle. Kasi I was really honest kina Direk Jun. Sabi ko, I’m not really musically inclined. So sabi ko, ‘Direk, I’m trying my best na aralin talaga. I’m really pressured.’


“Sa totoo lang, wala akong pakialam maghubad, mas may pressure pa po ako na maggitara sa camera. Kaya sana, mukha naman pong totoo,” natawang kuwento ni Miggy.


Napapalakpak ang co-actors ni Miggy na sina Sue, Elora at Kokoy dahil sa pagiging honest ng aktor.


Say ng binata, “Two years and a half pong gusto kong marinig ang palakpak na ‘yan!”


Kaya pala naunang binigyan ng X rating ang Your Mother’s Son ay dahil sa maraming love scenes at twist ng kuwento pero umapela si Direk Jun at muling ipina-review sa MTRCB at tinanggal ang ilang mas matitinding eksena kaya naging R-18 rating na.


Ang sagot ni Miggy, kung hindi ba siya nailang na tanggapin ang pelikula.


“Siguro ito po ‘yung masasabi ko na ito ‘yung project na nagpatapang sa akin to really jump para lagpasan pa ‘yung mga expectations ko.


“Ako, sigurado ako, ito ‘yung project na kumbaga, awakening. Na nagsabi sa akin na, ‘O, marami pa pala ‘yung puwede mong gawin. Marami pa palang puwede.’


“So, you just have to really jump and that’s what I’m really grateful for. Ang tagal ko ring inantay ang pelikulang ito,” paliwanag ng aktor.


Pero ‘pag frontal nudity na ang usapan ay medyo kumambiyo si Miggy.


“I think, at my age, parang hindi pa po siguro. But if there’s an art film na super required talaga na kailangang gawin, puwedeng pag-usapan.”


Bukod sa Your Mother’s Son na mapapanood sa Abril 12 sa Cinemas 17 at 18 Gateway 2 Cineplex, ay kasama rin ang mga pelikulang Die Beautiful, Anino sa Likod ng Buwan, Untrue, Gameboys the Movie, Mahal Kita Beksman, Manananggal sa Unit 23B, Distance, I America, Sleepless at Dementia sa featured films sa three-day Idea First Film Festival sa pagseselebreyt ng EnlighTen’ filmfest.


 



Ang lungsod ng Maynila ang host ng 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin ngayong Disyembre 2024.


Ito ang inianunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Atty. Don Artes sa ginanap na mediacon nu’ng Biyernes sa kanilang opisina kasama si Manila Mayor Honey Lacuna at Mowelfund Chairman Ms. Boots Anson-Rodrigo.


Sa Manila nagsimula ang MMFF na dating Manila Film Festival noong 1974 na pinamahalaan ni dating Presidente Joseph Ejercito Estrada at dahil isinali na rin ang ibang local government units kaya naging Metro Manila Film Festival na.


Labis namang nagpapasalamat si Mayor Honey sa MMFF at MMDA executive committee sa pagkakapili ng City of Manila na maging host ngayong 2024.


Ani Mayor Lacuna, "Manila City is 110% in support of the Metro Manila Film Festival, and the City is excited to host the 50th edition of MMFF."


Walong official entries ulit ang pipiliin ng selection committee na mauunang isumite ang apat na script sa Hunyo 14 (Biyernes) bilang deadline at iaanunsiyo ang napili sa Hulyo 1 (Lunes).


Sa Setyembre 30 (Lunes) ang huling submission para sa finished film based on script at sa Oktubre 15 (Martes) naman ihahayag ang official finished film entries.


"Although the committee has decided to only select 8 films, it will depend if there are more quality films the committee will allow [in] the addition of more film entries," pahayag ni Atty. Artes.


Kaya't posibleng maging 10 entries ulit ang isasama, depende ulit sa desisyon ni Ginoong Jesse Ejercito bilang Head ng MMFF selection committee.


Nabanggit na malaking challenge rin ang MMFF 2024, dahil sa nakaraang 2023 ay pawang sikat na artista ang bumida sa sampung pelikulang kasali tulad nina Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Alden Richards, Derek Ramsay, Christopher de Leon, Christian Bables, Eugene Domingo, Pokwang, Enchong Dee, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Assunta de Rossi, at Ms Vilma Santos-Recto.


Nabanggit din na kaya walang MMFF Summer Film Festival ngayong 2024 ay para bigyan-daan nang mahabang panahon ang mga sasali sa MMFF ngayong December.


Sinabi rin ni Ginoong Artes na kakausapin niya ang lahat ng film producers na kasama sa MMFF at required silang dumalo sa 2nd International Film Festival sa Enero 2025 kasama ang mga artista dahil magiging tuluy-tuloy na ito para sa ating mga kababayang OFWs na mapanood din ang local films.


Samantala, ang Parade of Stars ay gaganapin sa Disyembre 15 hosted by Manila City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page