Bintana, binasag… BAG SA KOTSE NI ANDREW, NINAKAW
- BULGAR

- Apr 27
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 27, 2026

Photo: IG _andrewmuhlach
Ninakawan ang aktor na si Andrew Muhlach ng bag na nasa loob ng kanyang kotse. Binasag ang bintana ng kotse niya habang nakaparada.
Ipinost ni Andrew ang larawan ng basag na bintana ng kanyang kotse at ang bag niya na kinuha ng magnanakaw.
Caption ni Andrew, “First time ‘to nangyari sa akin. Sa nagnakaw ng bag, for sure, kilala n’yo ako dahil nand’yan ang dalawa kong passport. May chance pa kayong ibalik lahat ‘yan, sa 8th Street New Manila.
“Anyway, wala na akong masabi kundi mag-ingat na lang tayo sa susunod. Pati na rin kayo, double-ingat lang tayo. Maraming epal sa mundo.”
Nagpakita ng malasakit kay Andrew ang kanyang mga followers sa Instagram (IG).
Sey ng mga netizens…
“Kakarmahin ‘yun ngayon.”
“Hope you’re okay, Andoy.”
“Ingat po kayo, Sir.”
“Marami talagang kawatan kahit saan, eh, tsk. Ingat ka palagi.”
Nagpasalamat naman si Andrew sa mga comments ng mga followers niya.
Aniya, “Maraming salamat po sa inyo (heart emoji).”
NUMBER two sa Netflix ang kauna-unahang rom-com nina Andrea Brillantes at Enrique Gil, ang A Secret in Prague (ASIP).
Nagsimulang ipalabas ito sa Netflix last Friday, April 24. Ang series din na ito nina Andrea at Enrique ang first romantic-comedy series ng TV5 sa Netflix.
Napakaganda naman kasi ng ASIP, para na ring nakarating sa Prague ang mga viewers sa mga eksena.
Na-capture at na-explore talaga ng show nina Andrea at Enrique ang beauty ng City of Prague at hindi nagmukhang travelogue lang.
Very refreshing ang tambalan nina Andrea at Enrique. Nakakakilig sila on screen!
Perfect ang look nina Quen at Blythe kaya bumagay sila sa isa’t isa on screen.
Kahit napanood na namin ang first three episodes sa special screening nito, same kilig-overload pa rin ang na-feel namin nang mag-watch kami sa Netflix.
Ngayong Lunes, April 27, na ang simula ng A Secret in Prague sa primetime ng TV5.





Comments