Binisita si ex-PNoy… MEL AT KRIS, SA SEMENTERYO NAGKITA KAYA NAGING MAGDYOWA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 24, 2021

"Krismel" ang tawag sa mga shippers ni Kris Aquino at ng fiancé nitong si Mel Sarmiento at sa kanila namin napanood ang interview kay Mel kung saan naikuwento nito ang simula ng relasyon nila ni Kris.
English/Tagalog/Waray ang salita ni Mel sa interview, kaya ang English/Tagalog translation na ang aming isinulat.
“Noong nawala si PNoy, we reconnected, we happened to bump with each other while visiting Noy sa cemetery that led to our relationship. Siguro, we were both grieving and shortly after we kept on talking with each other... okay man siya.”
Sa pagpapatuloy ng interview, nabanggit ni Mel na kaya niya ipina-move ang nasabing interview ay dahil natumba raw si Kris at inalagaan muna niya. Okay na raw si Kris, kaya natuloy na ang naka-schedule niyang interview.
Madaling matututong magsalita ng Waray si Kris dahil hinahaluan ni Mel ng Waray ang kanyang pagsasalita, o baka naman nagsasalita siya ng Waray kapag mga Waray ang kausap?
Naalala namin, nagwa-Waray at Cebuano na si Kris sa kanyang post, marunong din kasi ng Cebuano si Mel dahil sa Cebu nag-aral.
Masaya ang mga supporters ni Kris na dumating sa buhay niya si Mel dahil sigurado silang aalagaan siya nito. May nag-comment nga ng “Thank you, Secretary Mel Sarmiento, for loving Ms. Kris Aquino unconditionally. She deserves all the happiness the universe can give.”
“Babe” ang term of endearment nina Kris at Mel at pati mga friends ni Kris, nakiki-
Babe na rin. Waiting na ang lahat sa wedding ng engaged couple.





Comments