top of page

Biniro sa vote-buying, guilty daw… GOMA, MUNTIK SAPAKIN SI CONG. LEVISTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 10, 2026



Leandro Leviste at Richard GOmez - FB

Photo: Leandro Leviste at Richard Gomez - FB



Muntik nang upakan ng aktor at ngayon ay Leyte representative na si Richard Gomez si Batangas Rep. Leandro Leviste dahil umano sa pagbibiro nito tungkol sa vote-buying, ayon kay House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin sa isang panayam.


Ani Garin, “Yes, nagalit si Cong. Goma. Galit at pigil na pigil manapak. Kaya lumalayo every time na nilalapitan ni Cong. Lean.”


May isa pa ring saksi sa insidente na nagbigay ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa nangyari.


“Lumapit kay Goma. Tapos, sinabihan si Goma, ‘Eh, ‘di ba, ikaw, malakas din ang vote-buying n’yo?’ Pumutok si Goma. Susuntukin. Pinigilan ng mga congressman,” ayon sa ulat.


“A few minutes later, nilapitan ni Lean, sabi ‘Joke only’ sabay tawa. Lalong nagalit si Goma. Kaya pinalayo si Lean. Ang kulit nu’ng bata. Binabalikan si Goma. Umaalis at dumidistansiya na pero sinusundan ng bata,” dagdag pa ng isang witness sa insidente.


Matatandaang binura sa record ng House of Representatives of the Philippines ang naging talumpati ni Leviste noong May 5, 2026 kung saan ibinunyag nito ang umano’y korupsiyon na ginagawa nina Executive Secretary Ralph Recto at CWS Party-list Rep. Edwin Gardiola sa Batangas.


Sa gitna ng diskusyon ay nabanggit din ni Leviste ang isyu ng vote-buying sa Pilipinas na pinalagan ng maraming mambabatas na nasa plenaryo noong araw na iyon.


Isang netizen ang nagkomento, “Super kapani-paniwala ‘yung kuwento, ah? Wala bang CCTV sa Kongreso?”


Sey naman ng isa, “Sus, muntik na akong maniwala kaso si Garin nagkuwento, eh.”

Sey pa ng ibang mga netizens…


“Sus... Ang nagkuwento, nagmamalinis din.”

“Nalimutan na po n’ya ang issue ng Dengvaxia.”

“Ay, oo nga, ‘no, nagpapausok na naman.”

“Truth hurts ba, Goma?”

“Goma meaning balimbing.”

“Na-ego ka, Goma?”


“‘Pag galit, ibig sabihin, may katotohanan ‘yun. Kung ‘di totoo ‘yun, eh, bakit ka magagalit? Masyadong napaghahalata si Goma. Hahaha!”


“That will be dangerous. It might put an end to Goma’s political career.”

“Sapul si Goma. Nagalit, eh, ibig sabihin, totoo.”

“House of Crocs proud of their horrible actions.”

“Pass ‘pag si Garin ang nagkuwento.”


Kung anuman ang katotohanan, lalabas din ito kung magsasabi nga ba ng totoo si Garin. CCTV lang ang katapat kung ipapakita ng Kongreso ang nasabing pangyayari sa loob ng plenary hall.


Matatandaan ding hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa ganitong isyu ang aktor. Nagkaroon din siya ng isyu sa isang sports committee kamakailan lang na gustong manakit.





MULING pinag-iisipan ni Sen. Robin Padilla ang pagreretiro dahil umano sa kagustuhang mas makapagpokus sa pamilya at personal na buhay.


Sa paglabas ng senador sa Politiko Talks, nagpahayag siya ng pagdududa tungkol sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan sa bansa. Kasabay nito, nilinaw din niya na ang pagbebenta ng Museo de Padilla ay hindi para pondohan ang anumang planong pagtakbo sa eleksiyon.


Ayon kay Padilla, matagal na nilang pinag-uusapan ng asawang si Mariel Rodriguez ang posibilidad na manirahan sa ibang bansa.

“2010 pa nu’ng naging lovey-dovey kami ni Mariel, gusto ko nang mag-retire, magpunta abroad,” ani Robin.


Ikinonsidera nilang manirahan sa Brunei at maging sa Iceland. 

Nagkaroon pa umano sila ng ocular visit sa Brunei, pero hindi ito natuloy dahil sa klima.


Hindi rin daw nila itinuloy ang Iceland dahil sa mataas na gastusin ng pamumuhay doon.


Habang papalapit ang halalan sa 2028, naging bukas si Padilla sa kanyang saloobin tungkol sa pulitika sa bansa.


“I’m sorry, patawarin n’yo ako, hindi ko nakikita ang future sa sistemang ‘to,” saad niya.


Dahil dito, marami ang nagtatanong kung magpapatuloy pa siya sa pulitika o tuluyan nang magreretiro upang unahin ang pamilya.

Umugong din ang espekulasyon na ang pagbebenta ng Museo de Padilla ay para umano sa pondo sa kampanya.


Pinabulaanan naman ito ng senador at sinabing hindi siya umaasa sa campaign funds kahit noong 2022 senatorial elections, kung saan siya ang nanguna sa boto.

Ang Museo de Padilla ay matatagpuan sa West Fairview. Isa itong malawak na property na may apartment units at pangunahing bahay na may traditional Filipino-Spanish-inspired design.


Ginagamit din ito noon para sa weddings, photoshoots, at iba’t ibang events.

Sa kabila ng mga usap-usapan, sinabi ni Sen. Robin Padilla na natutuwa siya sa dami ng interesadong buyers sa nasabing ari-arian.

Interested buyers were invited to inquire via e-mail.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page