top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Binawing WBA title, bigong makuha ni Pacman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | July 12, 2021



Ibinasura ng World Boxing Association (WBA) ang apela ni Sen. Manny Pacquiao na maibalik sa kanya ang titulong binawi dahil sa hindi pagsabak sa boksing ng halos dalawang taon. Matatandaang inalis ng WBA ang pagiging welterweight champion ni Pacman nitong taon at idineklara itong “Champion in Recess” matapos mabigong depensahan ang kanyang korona sa loob ng dalawang taon.


Matapos bawiin ay ibinigay ng WBA ang welterweight belt sa no. 1 contender na si Yordenis Ugas ng Miami, USA. Naghain ng apela ang kampo ni Pacquiao sa WBA noong buwan ng Mayo upang mabawi ang korona matapos isapinal ang laban nito kontra kay Errol Spence sa Agosto 21 na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, subalit ibinasura lang ng WBA ang apela nito.


Ipinagkibit-balikat na lamang ni eight division champion Pacquiao ang naging desisyon ng WBA dahil wala naman itong epekto sa nalalapit na laban nito kay Spence. Nakataya sa Pacquiao-Spence bout ang dalawang korona na hawak ni Spence na IBF at WBC welterweight belt.


Samantala, tanging sa Jakarta, Indonesia lamang nagkasama sina Dwight Ramos at Thirdy Ravena sa paglalaro sa iisang team. Ito ay sa first window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers noong February 2020, kung saan dinomina ng Gilas Pilipinas ang Indonesia sa pamamagitan ng 30 points, 100-70.


Tumarak si Ravena sa laban ng 23 points, eight rebounds, three assists, at two blocks sa paglalaro ng 23 minutes habang solido naman ang ipinakitang laro ni Ramos para sa national team debut sa iskor na five points, five boards, two dimes, at two steals sa loob ng 16 minutes.


Nakatakdang magkasama muli sa laro ang dalawa sa Jakarta matapos muling imbitahin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Thirdy na maglaro sa Gilas sa pagsabak ng bansa sa FIBA Asia Cup sa Agosto. "I'm super excited to play with Thirdy. I've only got to play with him that one time," ani Ramos. Ang naging panalo ng Gilas kontra Indonesia ay ang unang official game na nagkasama sa laro ang dalawa, ayon sa ulat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page