Binatikos, ipinagtanggol ng mayor… GERALD, 'DI NA NAG-QUARANTINE, 'DI PA NAG-FACE MASK,
- BULGAR
- Sep 1, 2021
- 2 min read
NAKIPAG-SELFIE RIN SA FANS SA DIPOLOG
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 1, 2021

Nagbigay ng paliwanag ang Dipolog City Incident Command sa hindi pagsusuot ng face mask ni Gerald Anderson nang siya ay nagsu-shoot ng pelikula sa nasabing siyudad.
Kumalat ang mga larawan ng aktor sa socmed habang siya ay nasa Dipolog City.
May nagsasabing bukod sa hindi raw dumaan sa quarantine sina Gerald nang tumungo sa Dipolog City, hindi rin daw nakasuot ng face mask ang actor.
Naalarma ang mga residente ng Dipolog lalo na ang mayor ng siyudad dahil sila ang nababatikos sa isyung kinasasangkutan ngayon ng boyfriend ni Julia Barretto.
Ipinagtanggol nila si Gerald kahit sa mata ng publiko ay mali ang ginawa nito.
Ayon sa office ng Dipolog City Mayor, “Accordingly, Mr. Anderson has to necessarily remove his mask during actual shoot and in between takes.
“The production team as well as assigned marshals however made sure that safety precautions are undertaken and that nobody is in direct contact with him and the other actors.
“In fairness to Mr. Anderson’s team, they even clarified that they are here following all the rules for their own safety and the safety of the people around them as well, and they have not been out anywhere except for work.”
Iba’t iba ang reaksiyon ng mga netizens.
“Ano ba 'yan, sunud-sunod ang issue ni Budoy!”
“Bukod sa hindi sila nag-quarantine, nakikita si Gerald na hindi suot ang mask.”
“Tinatanggal daw mask in between takes? He was issued citation daw. Dati na siyang ganyan, 'di ba, laging nahuhuling nasa baba 'yung mask or tinatanggal niya talaga.”
“Despite na hindi ko binasa ang statement, I knew na maha-highlight ang hindi tamang pagsusuot ng mask ni Gerald. Kahit nu'ng wala pang vaccine sa 'Pinas, maraming photos si Gerald na nakababa ang mask niya (either hindi cover ang ilong or wala talagang mask) and/or scarf lang ang pantaklob niya. Ilang beses ko and other FP (Fashion Pulis) classmates na ring pinuna or nai-comment dito ang maling pagsusuot niya ng mask kasi nakaka-bother talaga, especially nu'ng nagtsa-charity work sila ni Julia. There's a possibility na asymptomatic siya and spreader ng virus. Nakakatakot talaga ang COVID ngayon.”
“May shooting pala siya? Ba't kaya hindi nababakante sa projects 'yan maski back-to-back ang negative news sa kanya? Siya na yata ang showbiz counterpart ni Sec. Duque.”
May mga concerned netizens mula sa Dipolog ang nagkomento.
“From Dipolog City po ako, sobrang strict dito sa amin. Madami akong kilala, family, friends & relatives galing sa ibang lugar, kapag bumalik dito sa amin, home quarantine agad, bawal lumabas for 14 days. Aba! Kapag artista nga naman, oh.”
“Ipagpalagay na natin in between takes, hindi siya nagsuot ng mask, pero meron pa rin city order na kung sino man makapasok dito sa province namin, dapat home quarantine or hotel quarantine for 14 days. Lagpas 48 hours na kaya si Gerald dito sa Dipolog City at marami ring mga tao nagpapa-picture sa kanya na walang suot na mask at face shield.
"Kahit na negative pa siya sa COVID test, hindi 'yun excuse dahil 'yung kaibigan ko from Cebu, negative test niya, tapos nu'ng umuwi siya rito sa Dipolog, naka-home quarantine agad. Kami nga na locals dito, kapag lumabas ng bahay, nagma-mask, tapos face shield pa, kasi may multa. Ayun 'yun, kapag artista ka, exempted na lang. Sana naman, BE RESPONSIBLE naman..”





Comments