Binati nu'ng b-day, dedma… KIM, IBINUKING NA NAGPA-FREEZE NG EGGS, NA-BAD TRIP DAW KAY BELA
- BULGAR

- May 28
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 28, 2026

Photo: IG _chinitaprincess
Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BULGAR noong Mayo 24, Linggo, na mahirap katrabaho at sakit ng ulo umano ng production ng Blood vs. Duty (BVD) si Bela Padilla.
Si Ogie Diaz ang unang nagbalita tungkol sa aktres sa Showbiz Update (SU) vlog nila ni Mama Loi kasama sina Ate Mrena at Tamerlane Mopia. Nagsimula ito sa post ng aktres sa kanyang Instagram (IG) Stories tungkol sa eksenang ginalingan niya ang pag-arte pero hindi siya ang day ender.
Aniya, “When you give it your all pero ‘di man lang pala s’ya day ender.”
Nag-react si Ogie sa naturang post at sinabing walang karapatan si Bela na kuwestiyunin ang desisyon ng production o editor kung alin ang magiging day-ender na eksena.
Bukod dito, hindi rin umano gusto ni Bela ang co-star niyang si Baron Geisler dahil nagkaroon daw sila ng hindi pagkakaunawaan.
Ayon sa sources ni Ogie, namutawi raw sa bibig ng aktres ang salitang ‘retarded’ laban sa aktor.
“Alam mo, nabalitaan ko, hinahabaan ni Baron ang pisi n’ya kay Bela. Sabi kasi ni Baron, ‘Nagbago na kasi ako. Isang pagkakamali ko lang, silat (masisira) na naman ako,’” kuwento ni Ogie.
Nabanggit din na dahil nakilala noon si Baron na mainitin ang ulo, konting pagkakamali lamang ay agad siyang napagbibintangan ng mga netizens. Kaya umiiwas na raw siya sa gulo dahil kahit hindi naman niya kasalanan ay siya pa rin ang naituturo.
At heto, may follow-up pa si Ogie tungkol kay Bela dahil marami pa palang nangyayari sa set na sa pakiwari namin ay sadyang ibinahagi para makarating sa aktres.
Sey niya, “Nanganak ang isyu. ‘Ay, naku, kung alam mo lang, Ogie, maldita talaga ang babaeng ‘yan!’ Uy, ayoko namang husgahan si Bela. Ito ‘yung mga nakakarating sa amin.
“S’yempre, open naman ang Ogie Diaz Showbiz Update sa panig ni Bela, o kaya kung gusto n’yang mag-post sa sarili niya, mag-post siya.”
Binasa rin ni Ogie ang mensahe ng isang source:
Dagdag pa ni Ogie, “‘Di natin ini-invalidate ang feelings ni Bela. May issue ba si Bela kay Robin? ‘Di ba naging mabuting tao si Robin kay Bela? Tanong ‘yan ng aking source.”
Say naman ni Mama Loi, “Eh, ‘di ba si Kylie Padilla, sinasabi rin n’ya openly na hindi s’ya sang-ayon sa lahat ng pinaniniwalaan ng papa n’ya?”
Pagpapatuloy ni Ogie, “Kahit naman ako, magkaiba kami ng kulay ni Robin. ‘Di rin ako agree sa ilang paniniwala n’ya. Pero kasi, magkamag-anak sila. Sabi ng source ko, parang ‘di naman daw kamag-anak si Bela ng mga Padilla. Buti pa raw si Daniel Padilla, wala kang maririnig kahit magkaiba ang kulay nila.”
“‘Di kaya, Tito Ogie, parang pinapaingay lang ‘yung teleserye nilang Blood vs. Duty?” opinyon naman ni Dyosa Pockoh.
“Ang dinig ko nga, medyo ‘di kasundo ni Bela ang ilang staff. ‘Di naman lahat, pero may mga staff na ‘di n’ya kasundo.
“Alam mo, ‘yan ang itinuturo ko sa workshop sa mga baguhan. Kailangan sa unang tuntong n’yo pa lang sa teleserye ay magaan na ang dating n’yo sa staff. Dapat mabait kayo sa kanila. Kasi ang mga PA (personal assistant) na ‘yan, lalaki ‘yan balang araw. Magiging EP (executive producer), supervising producer, production manager. ‘Pag namarkahan kayo dahil maldita kayo, kahit sa pitching, wala, butata kayo,” esplika ni Ogie.
Sang-ayon kami sa sinabi ng talent manager at content creator dahil marami kaming kilalang dating nasa mababang puwesto sa production na tumaas ang ranggo.
Perfect example si Cory Vidanes na nagsimulang production assistant hanggang maging Chief Operating Officer (COO) ng ABS-CBN. Kaya mahal siya ng production people dahil mahusay siyang makisama.
Going back to Robin, sinabi ni Ogie, “Again, ‘di natin ini-invalidate ang narrative ni Bela dahil opinyon n’ya ‘yun tungkol sa Tito Robin n’ya.”
Hirit naman ni Mama Loi, “Saka we can always agree to disagree. Pero gaya nga ng sinabi mo, ano bang mas matimbang, blood o duty? Ay, may branding! Hahaha! JRB!” sabay bati sa business unit head.
Aniya pa, “Nag-guest tayo r’yan. Napanood n’yo na po ba?”
Samantala, hindi na rin umano okay ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Angelica Panganiban kay Bela sa grupong tinawag na AngBeKi dahil hindi na raw nila ito pinapansin.
Kuwento ni Ogie, “‘Di na sila napagkikitang madalas na tatlo. Ang nakikita na lang ay sina Kim at Angelica.”
Nag-ugat umano ang hindi pagpapansinan nang mag-guest si Bela sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at mabanggit niya na nagpa-freeze ng mga egg cells si Kim.
Binasa ni Ogie ang komento ng isang netizen sa showbiz website:
“‘Di yata napapansin ni Ogie na ever since naikuwento ni Bela kay Boy Abunda na nagpa-freeze ng eggs si Kim ay nawalan na sila ng interactions kay Bela.
“Nag-post s’ya ng birthday greetings kay Kim pero hindi ni-like ni Kim. ‘Di rin nag-post ng birthday greetings si Kim noong birthday naman ni Bela. Madalas mag-usap sa social media sina Kim at Angelica at nagpadala pa ng flowers si Angelica sa birthday ni Kim.”
Sa opinyon ng netizen, baka na-out of context ang ginawa ni Bela kaya posibleng nagalit si Kim dahil bakit kinailangan pang siya ang unang magkuwento tungkol sa pagpapa-freeze ng egg cells ng kaibigan niya.
“Napangunahan!” parehong sabi nina Mama Loi at Ogie.
“So, adelantada (nangunang magsalita) si Bela?” diin ni Dyosa Pockoh.
“So, ano ‘to? May gap ba sina Bela at Kim? At may gap din ba sina Bela at Angelica? Sina Kim at Angelica ba ang magkakampi ngayon against Bela?” tanong ni Ogie.
Ayon pa kay Ogie Diaz, dapat na masagot ni Bela Padilla ang mga komento at isyung lumalabas ngayon sa social media.
Bukas ang BULGAR sa panig ng aktres.





Comments