top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Binati na rin ni John Lloyd… KASALANG DEREK-ELLEN, SA JULY, 2021 NA!

  • BULGAR
  • Apr 23, 2021
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 23, 2021




Sa July, 2021 na pala ang inaabangan ng mga bashers na kasalang Derek Ramsay-Ellen Adarna!


Bagama't 'di pa sinabi ni Derek sa panayam sa kanya ni Nanay Cristy Fermin sa radio program ng batikang TV host sa Radyo 5 na Cristy Per Minute ang eksaktong petsa ng kasal, tuloy na tuloy naman daw ito.


Samantala, sa isang hiwalay na panayam ay nabanggit ni Derek na nagbatian sila ni John Lloyd Cruz nang magpunta ito sa kanyang bahay para sunduin ang anak ng aktor kay Ellen na si Elias Modesto.


Kuwento ni Derek, "Maaga siyang sumundo. Gising na ako. Nakita ko siya sa labas, [then] lumabas naman ako para bumati. Bati din siya. Sabi niya, ‘Congratulations.'"


Nag-congratulate raw si Lloydie sa kanya para sa upcoming wedding nila ni Ellen.


Sabi pa ni Derek, “Wala naman kaming problema ni John Lloyd. Siya rin minsan ang naghahatid dito kay Elias.”


Eh, di ang saya, 'di ba?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page