top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Binasted ni Yasmien… JAKE, SUPER HAPPY NA BEAUTY QUEEN NA SI RABIYA ANG GF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 10, 2026



Binasted ni Yasmien… JAKE, SUPER HAPPY NA BEAUTY QUEEN NA SI RABIYA ANG GF

Photo: Instagram



Noong nasa GMA-7 pa si Jake Cuenca ay may mga niligawan din daw siyang Kapuso stars. Isa na nga rito si Yasmien Kurdi, pero inamin ng aktor na basted siya dahil hindi siya natipuhan ng Kapuso actress.


Hindi na binanggit pa ng aktor ang pangalan ng iba pang Kapuso artists na kanyang pinormahan. 


Anyway, happy siya ngayon sa relasyon nila ng beauty queen na si Rabiya Mateo. Marami ang nagsasabing medyo nag-mature na si Jake sa kanyang pakikipagrelasyon. Behave na siya at hindi na chickboy.


Suportado rin niya ang pangarap ni Rabiya na maging doktora, kaya iniwan muna nito ang showbiz.


Samantala, hindi napigilan ni Yasmien na sagutin ang ilang comments tungkol sa kanyang pag-aaral ng abogasya. May ilan kasing minamaliit siya sa pagpe-flex ng kanyang kurso. 


Sey ng aktres, pinangarap niyang makatapos ng Law kahit na hindi pa siya umabot sa pag-take ng bar exam. 


At least, na-experience niyang mag-aral ulit upang maabot ang kanyang pangarap na maging abogada.


Sabi nga, life is short, kaya gawin na lang ang mga bagay na magpapasaya sa ‘yo. At huwag titigil kahit ano pa ang sabihin ng iba.


Medyo nag-lie-low ngayon si Yasmien Kurdi sa kanyang showbiz career. Hindi muna siya tumanggap ng mga projects sa GMA Network upang magkaroon ng oras para sa kanyang pag-aaral ng abogasya. 


Kamakailan, nag-enjoy sila ng kanyang pamilya sa kanilang bakasyon sa Europe.





Ang hilig niya sa cycling ang isa sa mga paraan ni Alden Richards upang mapanatili ang kanyang maayos na mental health. Hindi lang ang physical na lakas ng katawan ang kanyang inaalagaan, kundi pati ang balanse at maayos niyang pag-iisip. 


Abala siya sa mga physical sports tulad ng pagsali sa mga fun run. Ito ang nagsisilbing break niya sa kanyang mga tapings at shootings.


Paghahanda rin niya ito bago umpisahan ang bago niyang medical series sa GMA-7, ang Code Gray (CG), kung saan doktor ang kanyang role. 


Healthy living ang sinusunod ni Alden. Hindi siya umiinom at naninigarilyo. Hindi rin siya mahilig sa nightlife. Sports ang tangi niyang libangan, kaya gusto niyang maging bahagi ng pagpapalaganap ng awareness nito para malabanan ang mental health problems.


Aware ang aktor na marami ang dumaranas ng depression at anxiety. Kailangan nila ng moral support mula sa pamilya, kaibigan at tulong-medikal. Mahalaga na may mga taong tutulong at magmamalasakit sa mga may mental health issues. 


Hindi lang mga ordinaryong tao ang nakakaranas ng matinding depression. Marami rin sa mga taga-showbiz ang may mental problems na hindi nila nailalabas. Kailangan din nila ng pagdamay at pang-unawa.


Kaya naman, nararapat si Alden Richards sa pagpili sa kanya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang maging ambassador ng Mental Health para sa mga OFWs (overseas Filipino workers).





MARAMI ang nagtatanong kung nasaan na ngayon ang stand-up comedienne na si Donita Nose. Bakit nawawala na siya sa sirkulasyon at hindi na napapanood sa telebisyon?


Noong kasikatan ng programang Wowowin ni Willie Revillame ay araw-araw na napapanood si Donita Nose. Kuwelang-kuwela ang tandem nila noon ni Super Tekla.


Si Donita ang umalalay kay Tekla noong panahong tuliro ang mundo ng komedyante.

Siya rin ang nagkumbinse kay Tekla na bumili ng sariling bahay habang kumikita pa ito.


Ang latest na balita kay Donita Nose ay tumatanggap daw siya ng mga shows abroad as a solo artist.


Samantala, ang career ni Tekla ay nagpatuloy at naka-tandem niya si Boobay sa programang The Boobay and Tekla Show On the Go (TBATSOTG) na napapanood sa GMA-7.


Ganunpaman, hinahanap pa rin ng mga fans si Donita Nose na unang naka-tandem ni Tekla. Pareho silang magaling kumanta at magpatawa. Ibang-iba pa rin ang atake nila kapag nagpe-perform on stage dahil malakas ang kanilang chemistry.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page