Binash ng fans… ALDEN, MAY KARGANG BABY, GAYA-GAYA RAW SA KIMPAU
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 27, 2025
Photo: Alden Richards - IG
Pati pagkarga ni Alden Richards ng baby, na-bash dahil ginagaya raw nito sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Sagot ng mga fans ni Alden, hindi sila aware na naka-copyright pala kina Kim at Paulo ang pagkarga ng baby, lalo na kung inaanak. Dahil ginawa na ng KimPau, bawal nang gawin, lalo na kung si Alden ang may karga ng baby kahit inaanak nito?
Nakita kasi si Alden sa isang mall na may itinutulak na stroller at sa isang photo, may karga siyang baby. Nakita ‘yun pati ng mga bashers ng aktor at doon na nag-comment na ginagaya nito ang KimPau.
Magkakaibigan sina Alden, Kim at Paulo at ang mga ganitong comments ay hindi makakatulong sa 3. Mabuti na lang at dedma sa mga ganitong comments ang magkakaibigan at mabuti rin, may mga fans ang KimPau na hindi ganito ang mindset na iniisip na ginagaya ang bawat kilos ng KimPau.
Tuloy ang friendship ng 3 at last week, sama-sama silang nagbisikleta at pagkatapos noon, sama-samang kumain sa restaurant na pag-aari ng friend nila na nakakasama sa pagtakbo at bisikleta.
And speaking of Alden, ipinasilip nito ang studio ng dance reality series na Stars On The Floor (SOTF) na kanyang iho-host sa GMA-7. Malaki ang studio at parang arena at mala-concert hall ang datingan. Ipinagmamalaki ni Alden Richards ang makakasama niyang dance authorities na magsisilbing judges ng contestants na mga celebrities.
Sa mga nabasa naming comments, lahat ay agree sa ginawa ni Lotlot de Leon to consult a lawyer at ang Estur & Associates Law Firm na ang hahawak o sasagot sa mga isyu na maglalagay kay Lotlot in bad light. Dahil ito sa mga usap-usapan dala ng pagpanaw ng mom ni Lotlot na si Nora Aunor.
May mga binanggit ngang pangalan ang mga Noranians na unahing kasuhan ni Lotlot at kanyang mga kapatid dahil patuloy na sinisira ang pangalan ng Superstar kahit wala na ito.
Special mention ng mga fans ang vloggers na ginagawa raw content ang buhay ni Nora at buhay na rin nina Lotlot at kanyang mga kapatid.
Samantala, madamdamin ang post nina Lotlot at Matet de Leon sa 40 days ni Nora. Sama-sama silang magkakapatid sa puntod ng mom nila at kasama pa ni Lotlot ang mga anak at mga pamangkin kina Matet at Ian de Leon.
Binalikan ni Lotlot ang paalala ng ina sa kanila ni Matet na “Magmahalan kayong lima, ha?”
“Ma, hanggang ngayon, ‘yang bilin mo—susundin at isasabuhay namin. Sure na sure naman ‘yan,” pangako ni Lotlot.
Binanggit din ni Lotlot na ipinaayos nila ang puntod ng mom nila, makikitang pinalagyan nila ng grass, naka-semento ang gilid at may tombstone na ang nakasulat ay “Mommy.”
NAKAKATUWA ang mga fans ng South Korean actress na si Song Hye Kyo na na-meet ni Anne Curtis sa Korea. Sana raw, imbitahan ni Anne si SHK na bumisita sa Pilipinas at siguradong matutuwa ang marami nitong mga Pinoy fans.
Hindi na nabanggit ni Anne kung paano sila nagkita ni SHK at ngayon nga, they follow each other in Instagram (IG). Ipinost pa ni SHK sa IG Stories nito ang photo nila ni Anne kasama si Bryan Boy.
Naaliw lang kami dahil napagkamalan ng isang netizen si Bryan na si Erwan Heussaff daw, ang husband ni Anne. Nag-comment ito na hindi bagay kay Erwan ang blonde hair, eh, hindi naman si Erwan ‘yun.
Anyway, photoshoot pa lang nina Anne, Joshua Garcia at Carlo Aquino ang ipinost ng ABS-CBN para sa adaptation ng It’s Okay To Not To Be Okay (IONTBO), excited na ang mga fans. Bukod sa maganda ang story ng Korean drama, maganda rin daw ang casting ng Philippine adaptation.
Humihingi na ng trailer ang fans at dalian na raw ng Kapamilya channel ang airing ng series dahil nami-miss na nila si Anne.
Looking forward din sila sa kanilang tatlo nina Joshua at Carlo and of course, sa atake ng ABS-CBN sa adaptation ng series.