top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Binanggit ni James sa harap niya… DANIEL, WA’ NA PAKI KAY KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 22, 2026



BULGARY - DANIEL, WA’ NA PAKI KAY KATHRYN-IG _supremo_dp & _bernardokath

Photo: IG _supremo_dp & _bernardokath



Naging usap-usapan ang moment na nabanggit ni James Reid si Kathryn Bernardo sa harap mismo ng ex ng aktres na si Daniel Padilla habang sila ay parehong nasa isang event. 


Base sa mga comments, hati ang mga reactions ng mga netizens. May nagsasabing promo lang ito para sa proyekto nina James at Kathryn. ‘Yung iba naman, tingin nila ay normal lang dahil itinanong ito mismo sa event, kung saan si DJ Jhai Ho ang host ng show.


Sey ng netizen, “Si DJ Jhai Ho ang nagtanong, eh, event ‘yan ng online casino. ‘Di dapat ‘yan ang topic.”


Marami ang nakapansin na calm at unbothered lang si Daniel sa tanong. Siyempre, hindi nawawala ang mga fans na umaasang may KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) nostalgia pa rin dahil malakas pa rin ang hiyawan ng crowd.


Kapansin-pansin din na mas naging sentro ng usapan ang personal dynamics nila kaysa sa mismong casino event na pinuntahan nila. Typical showbiz cycle din ito kapag may dating love team o exes involved, kaya mabilis talagang mag-viral kahit simpleng mention lang.


Pero sa totoo lang, wala namang malinaw na confrontation o issue sa actual clip. Mas pinalaki lang online dahil sa history nina Kathryn at Daniel, at dahil curious pa rin ang publiko sa kanilang current relationships at career moves.


Komento ng isa, “Ang cheap to the max para sa hype ng palabas nila. Gagawin ang lahat para mapag-usapan.”


May teleserye kasing pagsasamahan sina Kathryn at James, na ayon sa iba ay tila mahina ang dating ng kanilang tambalan.

Sey pa ng ibang netizens…


“Ay, sus! Sinadya nila ‘yun kahit alam nilang may dyowa nang iba.”

“LOL (laugh out loud). As if may paki pa si Daniel. Pumo-promo na naman ‘to si James para makahatak ng mga viewers para sa series nila ni Katreng (Kath) na mukhang magpa-flop sa kanegahan nilang dalawa.”


“Annoyed na si Daniel ‘pag ibinabalik ang past n’ya sa kanya. After that, nag-post s’ya ng pic ni Kaila sa IG n’ya. KathNiel fan ako before at alam ko, nainis ako kay Daniel nu’ng cheating issue, pero sa totoo lang, makikita mo talaga na happy si Daniel at mature na ngayon sa relasyon nila ni Kaila. Very elegant and classy at smart kasi si Kaila.”





BUMUWELTA ang aktres na si Jodi Santamaria sa isang netizen na nagbawal sa kanyang makialam sa pulitika. 


Pinaalalahanan kasi ni Jodi ang publiko tungkol sa matalinong pagpili at pagiging maingat sa kung sino ang kanilang sinusuportahang pulitiko. Binigyang-diin din ng aktres na ang mga artista at mamamayan ang unang dapat magmalasakit sa mga pambansang isyu. 


Ang kanyang pahayag ay ginawa matapos niyang i-promote ang kanyang pelikulang Midnight Girls (MG) sa Instagram (IG).


Ani ng aktres na ikina-react ng netizen, “You become the person you worship. Whatever or whoever you devote yourself to eventually shapes your character, values, and identity.” 

Sigaw pa ni Jodi, “Choose wisely.”


Sey ng netizen kay Jodi, “Girl, idol kita, pero sana, ‘wag kang makialam sa pulitika.”

Sagot ni Jodi, “Thank you (white heart emoji). Artists are citizens first.


“We all have a responsibility to stay informed and care about the issues that affect people’s lives (white heart emoji).”


Tama nga naman, ang mga artista ay mga mamamayan din. Dapat lang na sila ay may alam sa mga nangyayari sa lipunan, lalo na kung nakakaapekto ang pulitika sa karamihan.


Mabilis na kumalat online ang tugon ni Jodi, kung saan maraming netizens ang pumuri dahil sa kanyang katatagan sa mga paniniwala sa kabila ng mga kritisismo. 

Agree naman ang mga fans ni Jodi tungkol dito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page