top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Binabastos tuloy ng netizens… ANDREA, PROUD NA SIYA PA ANG NAGPAPARAMDAM SA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 27, 2023



Hindi nagustuhan ng ilan ang panawagan ni Andrea Brillantes sa anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak dahil hindi raw ito nakakaganda ng imahe bilang babae.


Sa "Date or Pass" game ay binanggit ni Andrea na, "Hi Jakob, if you’re watching, I’m single now.”


Ang mga nabasa naming komento ng mga netizens mula sa vlog, kung saan ipinost ang larawan nina Andrea at Jakob saka idinugtong ang panawagan ng aktres…


Mula kay @Tosh San Pedro, “Andrea Brillantes the standard for Modern Day Filipina!”


Agree rin si @Louie Villantes Castro, “OMG! Fan ka talaga ng first move, gurl! Love et! Dami namang perfect dito, akala mo naman hindi sila nagkagusto rin sa mga mala-Afam na lalaki!”

Tanong ni @Bicolana Ini, “Sino ba talaga, Andrea? Si Jakob o si Kai (Sotto)?”


Payo ni @Christian Obenza, “Ayan na naman, kapag maghihiwalay, walang bulgaran kung ano'ng mayroon si lalaki, ha?”


Opinyon ni @Cristy Mendoza, “Nakita lang 'yung ex na may GF na... ayun, nagpapakadesperada na rin. Sayang ‘yung ganda niya, self love muna, bebe, bago mo mahanap ang lalaking mamahalin ka na ikaw lang. Basta makuntento lang… just saying.”


Paniniwala naman ni @Josh Dee Diestro, “What a beautiful couple...if ever.”

Say ni @Almira Bilalang Macas, “'Di naman masamang mag-first move.”


Marami pa kaming nabasang hindi na magandang isulat pa dahil nakakabastos ito kay Andrea, pero sana, mabasa niya ang mga komento sa nasabing vlog para sana kahit paano ay magkaroon siya ng ideya kung ano ang tingin ng mga netizens sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page