top of page
Search
  • BULGAR

Biktima ng malakas na ulan at baha… RHIAN, NA-STRANDED SA AIRPORT SA DUBAI, NAGPASAKLOLO

ni Julie Bonifacio @Winner | April 21, 2024




Humingi ng saklolo ang Kapuso star na si Rhian Ramos para makasakay ng eroplano at makaalis sa Dubai.


Isa si Rhian sa mga foreigners na inabutan ng pagbaha sa Dubai dulot ng malakas na pag-ulan at nasira ang kanilang paliparan.


Nag-post si Rhian ng dalawang litrato sa X (dating Twitter) last Friday. Ang una ay tila isang maliit na area sa airport ng Dubai na may dalawang light brown blankets na may nakabilot na tuwalya na nagmistulang unan. At sa ibabaw ng blanket ay may nakapatong na black bag. 


Marahil ay dito nag-i-stay si Rhian habang naghihintay na makakuha ng flight palabas ng  Dubai. 


Habang ang ikalawang litrato ay ang napakaraming tao na nakapalibot sa desk na nag-a-assist or information area sa airport.


Caption ni Rhian: “Is there anyone from Emirates in Dubai that can help us? We need to rebook please?” na may almost crying emoji. 


Hindi na-anticipate ng gobyerno ng Dubai na uulanin sila after 70 years. For this reason, hindi sila gumawa ng drainage system diumano. 


Kaya nu’ng biglang bumuhos ang ulan, grabeng baha ang inabot  nila including ang kanilang airport kung saan may video na makikita sa socmed na umaandar ang mga eroplano sa runway na nakalubog ang mga gulong sa tubig. 


Nalungkot ang mga netizens sa kalagayan ni Rhian sa Dubai. Ang iba naman ay nakikisimpatya sa kanya.


“We’re sorry to hear that @whianwamos. Hang in there. Is it still raining so hard?”


“Prayers na lang for you!”


“My elderly mother is also stuck in the airport. @emirates offers no information, their food vouchers are not accepted by the airport restaurants. @EmiratesSupport they offer nothing and leave an elderly woman alone. Two flights cancelled in a row. No support. Shameful!”


May mga nag-post din ng mga comments na tumutulong kung paano or ano ang gagawin ni Rhian para makasakay ng eroplano palabas ng Dubai.


“Ms. Rhian, as per a friend who works in Dubai airport- the flights will be partially be back to normal tomorrow. Down daw kasi 'yung system.”


Hopefully, by this time ay nakapag-rebook na si Rhian at nakaalis na sa Dubai.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page