top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Nov. 18, 2024



Photo: Bureau of Immigration, Republic of the Philippines


Ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes ang apat na puganteng Hapon na wanted sa Japan at may mga arrest warrant na dahil sa pagkakasangkot sa pandaraya at pagnanakaw.


Kinilala ang mga Hapong sina Ueda Koji, Kiyohara Jun, Suzuki Keiji, at Sawada Masaya.


Ayon sa BI, ang deportation ay isinagawa matapos matiyak na tapos na ang lahat ng legal na proseso sa 'Pinas—bahagi ang hakbang na ito ng patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa laban sa mga krimen sa pagitan ng Japan at Pilipinas.


Kinumpirma naman ng BI na ang apat ay lumabag sa Philippine Immigration Act dahil sa overstaying at pagiging "undesirable aliens."

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 8, 2024



ree

Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng bilang na 30,000 hanggang 31,000 departure araw-araw sa lahat ng internasyonal na paliparan sa bansa matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.


Sa isang pahayag, sinabi ng BI mas mataas ang mga numero kaysa sa 21,000 hanggang 25,000 na departure araw-araw na naiproseso noong unang linggo ng Disyembre.


Noong 2023, ipinaalam ng BI na nai-proseso nito ang kabuuang bilang na 3,224,308 na departure, at 1,201,484 sa kanila ang naiproseso noong nakaraang Disyembre.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 30, 2023



ree

Nagpahayag ang Bureau of Immigration (BI) ngayong Huwebes na ang pagtaas ng bilang ng mga rehistradong sex offenders (RSOs) na pumapasok sa 'Pinas ay dapat ipag-alala.


Lumaki ang bilang ng online exploitation ng mga kababaihan at bata simula nu'ng pandemya.


Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, tumaas ang bilang ng RSOs nang magbukas ulit ang mga international na biyahe na nagpapakita na patuloy ang nangyayaring pang-aabuso.


Ipinagbawal naman na ng BI ang pagpasok ng mga dayuhang nahatulan ng mga kasong sekswal na paglabag mula sa pagpasok sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page