Bigtime dagdag-presyo... P6 diesel, kerosene, P5 gasoline
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | September 6, 2026

Photo: File
Sa pagtataya ng oil industry sources,malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang aasahan sa susunod na linggo.
Sa diesel, may inaasahang P4.00 hanggang P6.00 na dagdag kada litro.
Mayroon ding P3.00 hanggang P5.00 na dagdag sa kada litro ng gasolina; habang P4.00-P6.00 din ang tinatayang itataas sa kada litro ng kerosene.
Ilan sa mga tinitingnang dahilan ay patuloy na paglala sa tensyon sa Middle East kasunod ng panibagong mga pag-atake ng Amerika.
Nakadagdag din ang mahinang halaga ng Piso kontra Dolyar kung saan, ilang beses na naitala ang record-low value ng Philippine Peso ngayong linggo.
Lunes, iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang magiging pinal na oil price adjustment, habang ipatutupad naman ito ng mga oil companies sa araw ng Martes 8.





Comments