top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Bidang aktor, madali raw magalit… ROBIN, AYAW KAY COCO, ATRAS MAG-GUEST SA SERYE NOON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 27, 2026



BULGARY - ROBIN, AYAW KAY COCO, ATRAS MAG-GUEST SA SERYE NOON-FB Robin Padilla & cocomartin_ph

Photo: FB Robin Padilla & cocomartin_ph



Magandang balita para sa mga fans ni Sen. Robin Padilla na papasok siya sa Blood vs. Duty (BVD) nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.


Iniintriga tuloy ang senador na, “Ah, talagang kay Coco Martin na teleserye lang pala ‘di s’ya um-appear. Kinukuha kasi noon ang senador sa serye ni Coco para sa karakter na isang Muslim.”


Kaya tanong ng mga netizens, “May issue sila?”

Komento pa ng iba…


“S’ya naman ang nagsabi na ayaw n’ya mag-guest kay Coco dati pa. ‘Di raw kasi mukhang action star, Probinsyano days pa. Kaya nag-guest na si Cesar Montano at ‘yung ibang action stars, si Robin, ayaw sa mga teleserye ni Coco.”


“Eh, di ‘wag s’yang mag-guest kay Coco. ‘Di s’ya kawalan. Puro angas acting lang naman s’ya, panis na ang aktingan n’ya na ‘yun.”


“Ayaw n’yang mag-guest kay Coco kasi maraming nagsasabi sa kanya na mga extra at stuntmen na grabe raw magalit (Coco), tapos, grabe ring magbiro, ‘di ba? Nagka-issue si Coco na may natutulog, tapos binuhusan n’ya ng tubig.”


“‘Di naman, nagkataon lang. Pero nu’ng pumirma s’ya under Viva Artists Agency few months ago, sabi n’ya, gusto n’ya raw makatrabaho sina Coco at pamangkin niyang si Daniel.”


Iba naman ang komento ng isang ito, “Ano ngayon, ABS-CBN alts (alta), ang yayabang n’yo pero ‘yung mga loyal sa network, ‘di n’yo mabigyan ng project. Pero si Robin na DDS (Duterte diehard supporter), binigyan agad.”


“Kalma lang. Legit na Muslim naman s’ya, saka ‘yun pa rin ba ang naratibo mo?”

“Baka kasi dahil sa religion din ni Robin.”


“May time pa talaga ang senator natin to do teleserye, ano?”

"Hirap i-defend ng ABS-CBN. ‘Kaloka! Pati si Robin talaga.”

“Bakasyon ba sa Senado at suma-sideline sa pag-arte si Mr. Bigote?”





Todo-papiktyur sa fans…

JOHN LLOYD, NAKA-PAA LANG SA SIARGAO



HINDI sukat-akalain ng mga netizens na nasa beach ng Siargao na nasa kabilang cottage lang pala ang aktor na si John Lloyd Cruz.


Simple lang ang kasuotan ni JLC, naka-T-shirt na may tatak na Siargao at red shorts. Kapansin-pansin ding naka-paa lang ang aktor.


May nakapansin sa kanya at agad na nagpa-picture na nakaagaw-pansin sa mga taong nagsu-swimming doon.


Nagpaunlak naman si Lloydie kaya naman tuwang-tuwa ang mga taong naroroon dahil napakabait daw pala talaga ng aktor.


Ayon sa nag-post ng larawan ni JLC, “‘Yung hindi inaasahan na nasa kabilang cottage lang pala si John Lloyd Cruz nu’ng nasa Daku Island kami kasama ang guests ko, ang saya at ang laki ng ngiti ng mga guests ko pag-uwi from tri island tour. Buo na raw araw nila dahil nakapagpa-picture sila at pati ako kay JL.”


Komento pa ng ibang mga netizens…

“Sikat pa rin si JL, napaka-humble.”

“John Lloyd, miss you so much.”

“Bakit walang tsinelas?”

“Gusto n’ya mag-paa.”


“Nagsawa sa magulong buhay ng showbiz, parang si Andi Eigenmann.”

“Parang tumanda na si idol John, pero guwapo pa rin.”

“‘Di s’ya maarte, simple lang s’ya at palaging nakangiti.”

“‘Yan ang tunay na simple at rich.”


“Grabe, ang dami na talagang artista na dumadayo, ‘di na kailangang pumunta ng Maynila para lang makita sila. Sila ang kusang lumalapit.”


“‘Yan ang mabait na artista, lahat gagawin sa kanyang mga tagahanga at ‘di maarte. Mabuhay ka, John Lloyd.”


Iisa ang napansin ng mga netizens na naroroon, kahit daw parami nang parami ang nagpapakuha ng larawan kay Lloydie ay nakangiti pa rin ito kaya anila, “Ang bait talaga ni John Lloyd.”


Tuloy, may nagkomento na, “‘Di naman katulad ni Aga Muhlach, takot sa mahihirap.”

“Naku! Buong baryo na talaga ang nagpakuha ng picture. Hahahaha!”

“Gawa ka ulit movie, marami ang nag-aabang, lods.”


Para talagang wala pa sa plano ni John Lloyd Cruz ang bumalik sa showbiz. Kuntento na siya sa buhay na kung ano ang meron siya ngayon.


But for sure, bigla na lang nating malalaman na muli siyang gagawa ng serye o movie dahil hahanapin din niya ang pag-arte sa tamang panahon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page