Bida ng First Yaya, bet na bet niya… SANYA, ITE-TRAIN NI PIA SA MISS UNIVERSE-PHILS.
ni Nitz Miralles - @Bida | May 29, 2021

Bet pala ni Pia Wurtzbach na sumali sa Miss Universe Philippines si First Yaya leading lady Sanya Lopez.
May nakakita sa TikTok message ni Pia kay Sanya na sinabi nitong willing siyang i-train ang aktres kung gustong mag-join sa Miss Universe Philippines.
“Whenever you’re ready, we’re here waiting for you. Kung gusto mong mag-train, kung gusto mong sumali, alam mo na kung sino ang lalapitan mo. Would be happy, happy, happy to help you.”
Obviously, hindi pa nakarating kay Sanya ang mensahe ni Pia kaya wala pa siyang reaction at sana, may makapagparating para alam natin kung may plano pa rin siyang sumali sa beauty pageant.
Parang nabanggit nga dati ni Sanya na gusto niyang sumali sa beauty pageant, hindi lang niya magawa ngayon dahil busy pa siya sa kanyang showbiz career.
Heto nga at kahit siguro magtapos ang First Yaya, busy pa rin siya sa Agimat ng Agila nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. at hindi papayag ang GMA-7 na matagal siyang mabakante at hindi napapanood sa teleserye.





Comments