Biased daw… ALDEN, HOST ULI NG MUP, PINALAGAN
ni Nitz Miralles @Bida | May 3, 2024

KUNG masaya ang mga fans ni Alden Richards na siya uli ang napiling mag-host ng coronation night ng Miss Universe Philippines (MUPH), may mga umaalma. Bakit daw si Alden na naman ang magho-host? Biased daw si Alden sa candidate na kilala niya o kapwa Kapuso at ‘yun ang gusto niyang papanalunin.
Hindi nakahirit ang nagtanong sa sunud-sunod na comment na host si Alden at hindi judge. Wala siyang kinalaman sa pagkakapanalo ni Michelle Dee sa 2023 Miss Universe Philippines. Ipinaalam din sa nagreklamo na hindi ang GMA ang pumili kay Alden to host the coronation night but the organizer of MUPH.
Sa May 22 ang coronation night, na gagawin sa Mall of Asia at makakasama ni Alden in hosting the coronation night si 2022 Miss Universe R’ Bonney Gabriel. Wala pang balita kung may iba pang co-hosts sina Alden at former Miss Universe.
Hindi lang ang hosting sa MUPH ang inaalmahan ng mga bashers ni Alden, dahil pati ang pagkapanalo niya as Box Office King ng 2024 Box Office Entertainment Awards ay kinukuwestiyon din. Hindi raw dapat si Alden ang nanalo at mas deserving daw si Dolly de Leon na kasama ni Kathryn Bernardo sa movie na A Very Good Girl.
If I know, ayaw lang ng fan na magkasama sina Alden at Kathryn sa awards night sa May 12 na gagawin sa Henry Lee Erwin Theater sa Ateneo University. Pero tama ang mga fans ni Alden, babae si Ms. Dolly kaya hindi siya puwedeng maging Box Office King. Si Alden, nanalo para sa movie nila ni Julia Montes na Five Breakups and A Romance.
Anyway, busy si Alden sa taping ng Pulang Araw at sa pagtanggap sa sunud-sunod na awards, kaya walang time sa mga bashers. Sabagay, kahit noon pa, deadma si Alden sa mga bashers.





Comments