top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

BI inupakan ni Revilla dahil sa datos sa offloading

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2023
  • 3 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | March 24, 2023





Hello, Bulgarians! Inupakan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Sa isang viral video na umikot sa social media, detalyadong ikinuwento ng isang pasaherong papunta sana sa Israel ang kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO) nang siya’y isailalim nito sa puro “walang-katuturan” na pagtatanong hanggang sa puwersahin pa itong dalhin ang kanyang school yearbook.


Dahil d’yan, naiwan ang pasahero sa kabila ng pagpunta sa airport ilang oras bago umalis. Mas masahol, kinailangang gumastos muli ang pasahero para magpa-rebook.


Ayon kay Revilla, marami nang natatanggap na reklamo ang kanyang tanggapan ukol sa offloading nitong nakaraang taon pa at kanila nang iniimbestigahan ang isyu, hanggang sumambulat na ito. “Tinitingnan na namin ito since last year, at eto at pumutok na.


Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice in-offload despite our correspondence with BI,” kuwento niya. “Ang katwiran ng BI, iba raw ‘yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala raw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?” kanyang pagtatanong.


Pinuna ni Revilla ang kasalukuyang polisiya ng BI sa pag-offload na ayon dito ay kung may marangal man na hangarin ay hindi kaaya-aya ang nagiging resulta. “Sa pagkakataong ito, it looks like the solution being implemented is worse than the problem,” ani Revilla.


Ayon sa statement na inilabas ng BI, sa 32,404 na pasaherong kanilang in-offload noong 2022, 472 lamang ang may kaugnayan sa human trafficking, 873 ang umano’y nag-misrepresent sa kanila, at 10 ay mga menor-de-edad.


“Sa lagpas 30,000 na in-offload at inabala ng immigration na ‘yan, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakakagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” punto ng mambabatas. “Over 95% talagang inabala at pinagastos lang.


Ibig sabihin, isa lang sa bawat dalawampung inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan?”


paliwanag nito. “Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance.”


“Ano’ng nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo-publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise! Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid ‘yang ‘di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!” himutok ng Senador.


Naniniwala si Revilla na harapang pagyurak sa constitutionally guaranteed right to travel ang ginagawa ng BI, at maaari pang pagyapak sa kapangyarihan ng mga Korte na mag-issue ng Hold Departure Orders (HDO) kung may batayan. “Parang daig pa nila ang korte.


Napaka-absurd yata na ‘yung nakagawa ng krimen, basta walang HDO makakaalis, pero ‘yung mga ordinaryong Pilipino na gusto lang makaranas ng bakasyon sa ibang bansa, basta-basta lang iniipit at hindi pinaaalis. Over-stepping na ‘yan,” paliwanag nito.


Tuluy-tuloy pa rin ang pag-offload ng BI sa kabila ng mga patakarang inilatag sa Memorandum Circular No. 036, s. 2015 ng Department of Justice na nagtakda ng revised guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Passengers. Ayon sa circular, “only when a tourist passenger is identified by the immigration officer to have doubtful purpose of travel, fraudulent, falsified or tampered travel documents, or identified as a potentially trafficked person may he/she be not cleared for departure or recommended for deferred departure and turned over to the Travel Control and Enforcement Unit.” At “[a]s much as practicable, secondary inspection shall not exceed 10 minutes unless extraordinary circumstances require a longer period of inspection”.


“This is obviously being abused. Napakalaki ng latitude being given to these IOs. Sobrang broad ng authority at ng discretion. Daig pa nila mga consul sa pag-iissue ng visa,” pagtatapos ni Revilla.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page