top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BFF, nakausap pa raw niya… SHARON, MINURA ANG MGA NAGKALAT NA PATAY NA SI FANNY SERRANO

  • BULGAR
  • Mar 26, 2021
  • 3 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 26, 2021




Kinorek ni Megastar Sharon Cuneta ang naglabasang balita sa social media na namatay na ang personal friend niyang si Fanny "TF" Serrano.


Fake news lang daw ito. At sa kanyang Instagram account ay ini-repost ni Mega ang kumalat na balita na yumao na ang kanyang kaibigang hair/makeup stylist.


Isang netizen sa Facebook na may account name na Esmael Bernardino Lopena ang nag-post ng pictures ni TF at ganito ang nakalagay sa caption: "Paalam Tita Fanny. Isa sa mga taong nagturo at nakitaan tayo ng potensiyal noong araw na nagsisimula pa lang tayo. You may Rest in Peace..."


Madiing pinabulaanan ni Mega ang balita.


"This is circulating now. It is fake news. May malay daw si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko siya kahit 'di siya makasagot," paglilinaw ni Mega.


Nanawagan si Mega sa mga netizens na tulungan siyang ipaalam sa lahat na buhay pa si TF.


"Please help us spread the word that he is still with us. Buhay pa siya," hiling ni Sharon.

Hindi rin napigilan ni Mega na ilabas ang kanyang galit sa nagpakalat na patay na si TF.


"And to those who have nothing better to do, this is not the time to be as*holes, okay? Sorry, pero ang sasama n'yo!"


Nag-react ang iba pang celebrities sa IG post ni Sharon na kaibigan din ni TF ang karamihan sa kanila.


"Why do people do that?....continuing to pray for TF," comment ni Pops Fernandez.

"Grabe naman sila," reaksiyon naman ni Arlene Muhlach.


Bago kumalat ang fake news on TF's demise, naka-ilang post na rin ng pagkabahala, pagkalungkot at panawagan ng panalangain si Mega sa kalagayan ng kaibigan.


Heto ang pinakahuling IG post ni Sharon sa muling pag-atake ng karamdaman ni TF.


"HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support... meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own... I do not know what to do with myself... TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end... I think I have kept that promise," panimula ng caption ni Mega sa IG post niya na picture nila habang inaayusan siya ni TF.


That was not the "end" daw na nais niya para kay TF.


"I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say... there are just no words for how painful this is for me and the others who love you... Bakit naman ni hindi tayo puwede magkita, ngayon pa?


"Puwede mo ba akong hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sa 'yo gaano kita kamahal? Para na kitang nanay... I love you so much... Bakit naman right after Rocky’s passing, ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..?


"Bakit ba 'yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang? PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord...," kabuuan ng mensahe ni Mega.


By this time, "nahimasmasan" na siguro ang pag-aalala ni Sharon kay TF.


Pagdating talaga sa mga kaibigan, super-magmahal at generous si Sharon. Pero never niyang ipinagkakalat na tumulong siya, bagkus, sa ibang tao na lang lalabas or magpapasalamat ang concerned relative nu'ng tinulungan ni Mega in public.


Tulad na lang ng misis ng yumaong singer na si April Boy Regino, walang iba kundi si Madelyn Regino na ini-reveal sa Facebook post niya ang ibinigay na tulong ni Sharon sa pagyao ng kanyang mister.


Napanood daw kasi ni Madelyn si Sharon na umiyak pagkatapos mag-perform at gayahin ni Lie Reporosa sa Your Face Sounds Familiar si April Boy. Naalala at na-miss daw kasi ni Sharon ang iconic singer.


"Sobrang nahawa rin kami sa pag-iyak. Maraming salamat po, Megastar Sharon Cuneta, isa kang tunay na matulungin sa kapwa at mapagmahal sa fans.... Hindi namin ine-expect na magbibigay si Ma'm Sharon Cuneta ng malaking halaga para sa burial ng aking asawa," lahad ng misis ni April Boy.


Iba talaga si Mega!







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page