top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BFF, nakabangga ng police car, tinakasan… SIGAW NI PAULO: JAKE, 'DI LASING, NAKAINOM LANG

  • BULGAR
  • Oct 12, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 12, 2021



Dinepensahan ni Paulo Avelino ang kaibigang si Jake Cuenca dahil naniniwala siyang walang kasalanan ang actor.


Nu’ng Sabado nang gabi, nakabangga umano si Jake ng sasakyan ng pulis sa Mandaluyong. Hindi tumigil si Jake kaya hinabol siya ng mga otoridad.


Hindi raw alam ni Jake na mga pulis ang nakasakay sa sasakyang nabangga dahil naka-sibilyan ang mga ito.


Binaril ang kanyang sasakyan kaya ang tendency daw ay takot ang naramdaman ng aktor kaya hindi huminto, pero sa huli ay nasakote rin si Jake.


Sa Twitter account ni Paulo, sabi nito, kung sa kanya raw nangyari ang ganu'n ay hindi rin siya hihinto lalo pa’t naka-sibilyan ang bumabaril sa kanyang sasakyan.


"I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me, it's either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time," reaksiyon ni Paulo sa mga naglalabasang balita hinggil sa kaibigan.


“Mauna sa balita, bida ngayon. GET YOUR FACTS STRAIGHT AND KNOW THE TRUTH BEFORE YOU POST,” sambit pa ni Andrei, ang role ng aktor sa Marry Me, Marry You.

Isang netizen ang nagtanong kung lasing ba ang aktor habang nagda-drive.


Sagot ni Paulo, "Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa COVID."


Dugtong pa ni Paulo, “Same thing I would do for someone I love. If you get COVID then F it. I wouldn't care if I get it too. I'm taking care of you whether I get it or not. If I die due to COVID, I'll be happy I did it for someone I love.”


May nagsabi namang netizen na nakabangga raw si Jake kaya dapat lang na huminto ito.


Hindi nagustuhan ni Paulo ang tinuran ng netizen at aniya, "Ma'am 'wag po tayo magmarunong. Wala pong tama sasakyan niya. Kung may nasagi man, gulong niya lamang dahil kita naman po sa mga picture, lampas ng sasakyan. 'Yung complainant po, private vehicle ng pulis na ginamit sa operation. Uulitin ko po, GET YOUR FACTS STRAIGHT."


Komento ng mga netizens, “Bawal pa rin mag-drive ang nakainom dito sa North America... MADD... huwag ipagtanggol kung nagkamali na.”


Sagot naman ng isang netizen, “May alcohol limit na tinatawag... maka-flex ka lang ng North America, eh. Puwede nakainom pero 'wag lalampas 'yung BAC nila, iba ang nakainom sa lasing... legally speaking lang ha, not that I condone drinking then driving.”


“He was a case of mistaken identity. The police were on a buybust operation. They could have killed him. Yes driving while drunk is not encouraged, but Paulo said he's nakainom, not drunk, meaning he can handle himself.”


“Ikaw ba, hihinto sa mga papara sa 'yo na 'di nakauniporme ng pulis? 'Wag t*nga... at wala silang karapatan bumaril ng sasakyan kung 'di nakikipagbarilan sa kanila... palpak ng pulis 'yan dahil sa maling akala... sa kanila na nanggaling, akala nila, kasama sa raid nila.”


“Nakasagi siya dahil pinapara siya ng mga lalaking naka-sibilyan.. ikaw kaya, gawin sa 'yo 'yun? Lumalabas pa nga sa investigation nakasagi dahil hinabol na, kaya pulis ang naka-detain.”


“Hindi lang siya hinabol, nagpaputok na mga pulis sa kanya, mistaken identity ito.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page